^

Bansa

Bagyong Crising, patuloy ang pananalasa sa Mindanao

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Lumakas ang bagyong Crising at patuloy ang pagkilos sa may kanluran hilagang kanluran sa may Davao-Surigao del Sur area.

Ala-1:00  ng hapon kahapon, ang sentro ng bagyong si Crising ay namataan ng PagAsa sa layong  250 kilometro ng silangan ng Davao City, Davao del Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro malapit sa gitna at  may pagbugso ng hangin na aabot sa 80 kilometro bawat oras.

Dahil dito, nakataas ang Signal number 2 ng bagyo sa southern portion ng Surigao del Sur (Lingig, City of Bislig), southern portion ng Agusan del Sur (Loreto, Trento, Bunawan, Santa Josefa, Veruela), northern portion ng  Davao Oriental (Boston, Cateel, Baganga), northern portion ng Davao de Oro (Laak, Monkayo, Montevista, Compostela, New Bataan, Nabunturan,Mawab), at  northern portion ng  Davao del Norte (Kapalong, San Isidro, Asuncion, New Corella, Talaingod)

Kahapon at ngayong biyernes ng umaga  ay makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag ulan sa  Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte. Ang mga residente dito ay pinag iingat sa banta ng pagbaha at flashfloods dahil sa pag uulan doon.

Ngayong Biyernes, si Crising ay inaasahang nasa bisinidad ng  Loreto, Agusan del Sur at sa Sabado ay nasa layong 180 kilometro ng kanluran ng  Dumaguete City, Negros Oriental at sa linggo ay nas alayong 115 kilometro ng kanluran ng Puerto Princesa City, Palawan.

CRISING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with