^

Bansa

3 patay sa Typhoon Bising habang 7 lugar Signal no. 1 pa rin dahil sa bagyo

James Relativo - Philstar.com
3 patay sa Typhoon Bising habang 7 lugar Signal no. 1 pa rin dahil sa bagyo
Mino-monitor ng kawani ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Office ang pagkilos ng Typhoon Bising habang nasa loob ito ng Philippine area of responsibility, ika-19 ng Abril, 2021
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Umabot na sa tatlo ang namamatay sa pagragasa ng Typhoon Bising sa Pilipinas, na siyang ikalawang bagyong pumasok sa Philippine area of responsibility ngayong 2021.

Ito ang kinumpirma ng National Disaster risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Miyerkules, habang nasa 360 kilometro silangan ng Tuguegarao City, Cagayan ang mata ng bagyo bandang 10 a.m.

"A total of 3 dead, 10 injured, 1 missing persons were reported in Regions V, VII, VIII, XI," ayon sa ulat ng NDRRMC ngayong araw.

Sa ngayon, narito ang mga sinasabing naperwisyo ng pananalasa ng sama ng panahon:

  • Apektado: 229,829 katao
  • Saan sila galing?: 944 baranggay mula sa Bikol, Eastern Visayas at CARAGA
  • Nasa temporary shelters: 15,813
  • Bilang ng evacuation centers: 236
  • Lumikas na nanunuluyan sa ibang lugar: 21,648

Nagsagawa na rin rin ng preemptive evacuations maging sa Cagayan Valley. Dahil diyan, 169,072 na ang pre-emptively evacuated sa buong Pilipinas.

Pumalo na sa halos P171.2 milyong ayuda ang ibinigay ng Department of Social Welfare and Development at local government units sa Bicol kasunod ng bagyo.

Pinsala ng bagyo

Umabot naman sa P45.93 milyong pinsala sa agrikultura ang idinulot ng bagyo ngayon sa Bicol at Eastern Visayas.

Nasa halos P10.6 milyong halaga ng pinsala sa imprastruktura ang naitalanito sa ngayon:

  • Bicol Region (P10.5 milyon)
  • Eastern Visayas (P50,000)

Bukod pa ang mga 'yan sa apat na imprastruktura na napinsala sa CARAGA.

Nasa 1,022 kabahayan naman ang sinasabing damaged sa Regions V, VIII at CARAGA. Sa bilang na 'yan 84 ang wasak na wasak at 939 ang bahagyang napinsala.

Signal no. 1 nakataas pa rin

Nagtataglay pa rin ng mga hanging may lakas na 175 kilometro kada oras malapit sa gitna ang Typhoon Bising, na siyang may busgo na aabot ng 215 kilometro kada oras.

Dahil riyan, may Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 pa rin sa:

  • Batanes
  • Cagayan kasama ang Babuyan Islands
  • silangang bahagi ng Apayao (Luna, Santa Marcela, Flora, Pudtol)
  • silangang bahagi ng Kalinga (Pinukpuk, Rizal)
  • silangang bahagi ng Isabela (Ilagan, San Mariano, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Santa Maria, Delfin Albano, Santo Tomas, Quezon, Quirino, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, Reina Mercedes, Mallig, Burgos, Roxas, Cauayan City, Luna, San Manuel, Cabatuan, Aurora, Dinapigue, San Mateo, Alicia, Angadanan, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Isidro)
  • hilagangsilangang bahagi ng Quirino (Maddela)
  • hilagang bahagi ng Aurora (Casiguran, Dilasag)

"Winds of 30-60 km/h may be expected in at least 36 hours or intermittent rains may be expected within 36 hours," ayon sa PAGASA.

"'BISING is forecast to gradually weaken throughout the remainder of the forecast period. The typhoon will likely be downgraded to severe tropical storm category by Saturday and tropical storm category by Sunday."

BISING

NDRRMC

PAGASA

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with