^

Bansa

P10K cash aid sa pamilyang Pinoy, itinulak sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makakatanggap ng dagdag na P10,000 cash aid ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino sa ila­lim ng Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program sa gitna na rin ng pandemya sa COVID-19 na dinaranas sa bansa.

Ito’y sakaling maisabatas ang inihaing House Bill (HB) 5987 ni dating Speaker at Taguig –Pateros Rep. Alan Peter Cayetano, misis nitong si Taguig Rep. Lani Cayetano at mga kaalyado nito sa Kamara para mabigyan ng karagdagang cash assistance ang mga pamil­yang apektado ng COVID 19 pandemic.

Sa ilalim ng HB 5987 ay magtatatag ng Bangon Pamilyang Pilipino (BPP) Assistance Program na magkakaloob ng P 1,500 kada miyembro ng pamil­ya o P10,000 sa bawat tahanan.

Prayoridad ng progra­mang mabigyan ang senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, mga nawalan ng trabaho, medical frontli­ners, pamilya ng Overseas Filipino Workers (OFWs), mga indibidwal na hindi nakatanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP), mga may Philippine National ID, at mga miyembro ng mga vulnerable sektor.

Kasama sa may akda ng panukalang-batas sina Camarines Sur 2nd District Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte, Jr., Batangas 2nd District Rep. Raneo Abu, Laguna 1st District Rep. Dan Fernandez, Bulacan 1st District Rep. Jose Antonio “Kuya” Sy-Alvarado, at Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor.

Kapag maipasa ang panukalang batas na ito ay makatutulong din  ito na “lumakas ang household consumption, na makatutulong sa pagbangon ng ekonomiya” na dumanas ng pinakamatinding economic contraction mula nang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Sa panayam sa dating Speaker, kung itutuloy ang pamimigay ng ayuda ay matutulungan hindi lang ang consumers kundi pati ang mga supplier at buong ekonomiya ng bansa.

“Yung P10,000 per family, parang kukuha ka sa kaliwang bulsa, babalik din sa kanan, dahil iikot din ‘yon sa ating ekonomiya,” pahayag ni Cayetano.

BPP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with