Go: Calamity funds ubos na, typhoon-hit LGUs tulungan
MANILA, Philippines — Umapela si Senator Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga ahensiya ng gobyerno na tulungan ang mga local government units na nasalanta ng Super Typhoon Rolly lalo’t naubos na ang kani-kanilang calamity funds sa pagresponde sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sa panayam matapos pangunahan ang distribusyon ng ayuda sa higit 2 libong biktima ng sunog sa Sta. Mesa, Manila, sinabi ni Go na malaking tulong kung mabibigyan ng karagdagang financial assistance ang typhoon-hit LGUs upang makabili ng mga pagkain at esensyal na kagamitan para sa kanilang constituents.
“I’m appealing to the executive, kay Pangulong Duterte, kay [DBM] Sec. [Wendel] Avisado na tulungan po ‘yung mga LGUs na wala na pong calamity fund para po magamit nila dito sa typhoon, pambili ng pagkain, pambili po ng gamot, dahil sunud-sunod po itong disaster na ating kinakaharap,” ani Go.
Bago pa ang pananalasa ng Super Typhoon “Rolly”, inimpormahan na ni Go si Avisado na mahaharap sa malaking problema ang LGUs dahil ang kani-kanilang calamity funds ay nagamit na sa pagtugon sa COVID.
- Latest