^

Bansa

'2022 no election' ekis; 40 bansa naghalalan kahit pandemya — ex-Comelec exec

James Relativo - Philstar.com
'2022 no election' ekis; 40 bansa naghalalan kahit pandemya — ex-Comelec exec
Litrato ng mga taong nagpaparehistro para sa 2022 elections, ika-1 ng Setyembre, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Imbis na ipagpaliban ang paparating na halalan sa 2022, mas mainam daw na pag-isipan kung paano ito ligtas na maitutuloy, ayon sa isang dating commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

'Yan ang reaksyon ni dating Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal ngayong inilulutang ni Rep. Mikey Arroyo (Pampanga) ang scenariong "no-el" kaugnay ng COVID-19 pandemic.

Basahin: 'Botante takot sa virus': Solon nais ipagpaliban ng Comelec ang 2022 elections

"It doesn't make sense that the elections is over a year from now and we're already talking about postponing it," ayon kay Larrazabal sa panayam ng ANC, Biyernes.

"I think, in this point in time, you should talk about what... steps are necessary to ensure that we have a healthy and safe elections on May 9, 2022."

Aniya, hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas na inusog ang isang national elections dahil sa dahilang pangkalusugan.

Gayunpaman, dati nang nag-postpone ng eleksyon ang Comelec sa mga cluster precints, baranggay at munisipalidad dahil sa dahilang pangkalikasan, pananakot, gyera, panununog sa mga polling centers, atbp. — alinsunod sa itinakda ng Section 5 ng Batas Pambansa 881.

Pagdating sa konteksto ng COVID-19 pandemic, kataka-taka raw na itinutulak ni Arroyo ang postpone gayong naituloy naman ng mahigit 40 bansa ang kani-kanilang halalan ngayong taon kahit may pandemya pa.

Ilan sa mga nasabing bansa ay Russia, Singapore, Iceland, South Korea, atbp. Ipagpapatuloy din ng Estados Unidos ang kanilang 2020 elections ngayong Nobyembre — kahit sila ang may pinakamaraming COVID-19 death toll sa buong daigdig.

"If they can do it, why can't we?" dagdag pa ni Larrazabal.

Isyu ng term extensions

Binatikos naman ng grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang pagtutulak ng "no-el scenario" sa dahilang baka gamitin lang ito sa pagpapalawig ng termino ng mga pulitiko.

"Labag ito sa Konstitusyon. May fixed term ang mga halal na opisyal," wika ni Renato Reyes Jr., secretary general ng BAYAN.

Walang batayan at lubhang mapanganib  ang anumang panukala para ipagpaliban ang eleksyon sa 2022.  1. Labag ito sa...

Posted by Renato Jr. Reyes on Thursday, September 24, 2020

Tinutukoy ni Reyes ang Section 4, 7 ng Article VI ng 1987 Constitution at Section 4 ng Article VII, na nagsasabing dapat bumaba sa pwesto ang mga presidente, bise presidente, mambabatas at senador pagsapit ng ika-30 ng Hunyo sa taon ng termination ng kanilang termino.

Maliban sa dapat maituloy ang ligtas na halalan, trabaho rin daw ng pamahalaan ang maagap na paglutas sa pagkalat ng COVID-19. Sa ngayon kasi, dumapo na ito sa 296,755 katao at pumatay sa 5,127 sa Pilipinas.

"Ang pagpapaliban ng eleksyon ay daan tungo diktadura. Walang ibang makikinabang dito kundi ang mga nasa poder [na mapapalawig ang termino]," sambit pa ni Reyes.
 
"Ayaw na nga ng tao sa rehimeng Duterte, ngayon pa lang ay gusto nang palitan - lalong hindi papayag ang tao na tumagal sila sa pwesto lagpas sa kanilang termino. Di na makapaghintay ang tao na mabago at mapatalsik ang mga palpak na namumuno ngayon. Tutol sila sa 'No-El' at term extension."

Una na ring sinabi ni Larrazabal na dapat magtapos ang termino ng lahat ng halal na opisyal pagsapit ng ika-30 ng Hunyo, 2022 sa dahilang hindi maaari ang anumang term extension.

Alternatibang hakbang

Dagdag pa ng dating Comelec official, maaaring tignan kung paano ang mga ginawa ng iba't ibang bansang nakapagsagawa ng halalan ngayong 2020 kahit na talamak ang COVID-19.

Sa limang estado halimbawa ng Estados Unidos halimbawa (Washington, Oregon, Colorado, Utah at Hawaii), matagal nang nagsasagawa ng "mail-in voting." Sa ganitong sistema, ipinadadala sa pamamagitan ng mail ng mga rehistadong botante ang kani-kanilang balota.

"I think we should look at their process and how that could be implemented here for elderly voters," ani Larrazabal.

"But as a general rule, I would look at other countries who've already conducted elections. And I've talked with some people in Comelec, and they're already studying... making proposals on how to conduct elections in 2022 that's safe for people."

Kaugnay niyan, inihain ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang House Bill 7572 na magbibigay karapatan sa mga senior citizens na magsagawa ng mail-in vote "oras na kailanganin" ito. Isa ang mga senior citizens sa pinaka-susceptible sa malulubhang komplikasyon kaugnay ng COVID-19.

2022 ELECTIONS

BAGONG ALYANSANG MAKABAYAN

COMMISSION ON ELECTIONS

MIKEY ARROYO

NOVEL CORONAVIRUS

RENATO REYES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with