^

Bansa

'One-way lang': FDA nagbabala sa face masks na may valve, proteksyon kulang

James Relativo - Philstar.com
'One-way lang': FDA nagbabala sa face masks na may valve, proteksyon kulang
Makikitang nakasuot ng face mask na may balbula (valve) ang lalaking ito habang sinisilip ng miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang pagkikilanlan ng ilang residente sa Navotas, ika-16 ng Hulyo, matapos magpataw ng lockdown sa lungsod kasunod ng pagkalat ng COVID-19
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pinaiiwas ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko sa paggamit ng mga face masks na may balbula (valve) bilang pananggala sa coronavirus disease (COVID-19), sa dahilang lubhang limitado diumano ang kapasidad nito para pigilan ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

Sa advisory na inilabas ng ahensiya, Lunes, sinasabing protektado ng mask ang nagsusuot mula sa pagkakahawa sa virus — pero makakahawa raw ang nagsusuot nito kung may COVID-19 siya.

"The Food and Drug Administration (FDA) is strongly advising the public that the use of a face mask with a valve is not recommended during this COVID-19 pandemic," sabi ng FDA sa isang pahayag.

"The masks are designed with a one-way valve allowing exhaled air to pass through a small round or square filter disc attached to the frontpiece."

Dahil diyan, tanging ang nagsusuot lamang daw ang protektado mula sa mga respiratory droplets, na isa sa mga pangunahing paraan sa pagkalat ng COVID-19.

Aniya, kailangan na "two-way" ang proteksyon para mapigilan talaga ang hawaan ng SARS-CoV-2, ang virus na siyang nagdudulot ng COVID-19.

Sa ngayon, ilang face masks din na gawa sa tela — na pinapayagan ng gobyerno — ang makikitang merong balbula.

"Face masks with valve should not be used in healthcare settings such as hospitals, clinics and other healthcare facilities including swabbing centers or in situations where a sterile field must be maintained such as the operating room because unfiltered exhaled air escapes to the field," dagdag pa nila.

"Use of this face mask is also discouraged in the community setting especially in enclosed environment such as malls, offices, restaurants, hotels, etc."

Sa kasalukuyan, ilang local government units na ang nag-oobliga sa publikong magsuot ng face mask para mapigilan ang lalong pagkalat ng virus gaya ng Makati City.

Maaaring makulong nang hanggang anim na buwan at pagbayarin ng P5,000 multa ang mga hindi magsusuot ng face mask sa Makati, alinsunod sa kanilang Ordinance 2020-089.

Basahin: Makati imposes mandatory quarantine, wearing of face masks

May kaugnayan: DILG urges LGUs to pass ordinance requiring use of face masks in public

Pinaalalahanan din ng FDA ang lahat na dapat natatakpan ng face mask ang bibig at ilong ng gumagamit, at kinakailangang sabayan ng iba pang health protocols upang maging mabisa.

"The use of face mask must be complemented with equally relevant measures for infection prevention and control to provide adequate level of protection and limit the spread of respiratory diseases like COVID-19," kanilang panapos.

FACE MASK

FOOD AND DRUG ADMINISTRATION

NOVEL CORONAVIRUS

VALVE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with