^

Bansa

Kahit 'palamura,' GMRC at values ed ibinalik ni Duterte sa K-12 curriculum

Philstar.com
Kahit 'palamura,' GMRC at values ed ibinalik ni Duterte sa K-12 curriculum
Litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa Malacañang noong ika-22 ng Hunyo, 2020
Presidential Photo/Albert Alcain

MANILA, Philippines — Magbabalik sa basic education ang asignaturang "good manners and right conduct" at "values education" matapos itong pumasa sa Konggreso at tuluyang aprubahan ng Palasyo, ayon sa state-owned media na PTV4 ngayong Huwebes.

Pirmado na kasi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11476, dahilan para ituro uli ang mabuting asal gamit ang GMRC sa Grade 1 hanggang 6 at "values education" mula Grade 7 hanggang 12.

Hiwalay na subject ito para sa mga nasa junior high school habang ihahalo naman ito sa iba't ibang asignatura ng mga nasa senior high school.

"The State recognizes the vital role of the vital role of the youth in nation-building and promotes protects their physical, moral, spiritual, intellectual and social well-being," sabi ng bagong batas.

"Towards these ends, the State shall inculcate in the youth patriotism and nationalism, and encourage their involvement in public and civic affairs."

Basahin: Senate ratifies GMRC bill

Ayon sa batas, tumutukoy ang GMRC sa mga partikular na katanggap-tanggap na "basic social values," paggalang at/o tamang asal para ipakita ang respeto sa mga nakakasalamuha.

Ang values education naman ay tumutukoy sa:

  • proseso na nagbibigay sa kabataan ng "internalization ng mga values" na nakatuon sa pag-intindi ng mag-aaral sa mga prinsipyo at abililidad na isapraktika ang mga ito
  • iba't ibang pagtuturo, pamamaraan o programa na nililikha ng mga guro para matuto ang mga bata tungkol sa "valuing processes," "value positions" at "value judgement"
  • pagkatuto tungkol sa sarili at kaalaman sa buhay sa paraang "self-explanatory," sistematiko at siyentipiko

Nilagdaan ito ni Duterte kahit madalas siyang magmura, magbanta ng buhay at magpakawala ng mga diumano'y "bastos" na pananalita sa mga kababaihan sa mga talumpati. 

Dati na ring sinabi ni Duterte na "hinipuan" niya ang natutulog nilang kasambahay, at hindi aniya hihingi ng tawad ang presidente tungkol doon.

Binira na rin noon si Digong matapos niyang utusan ang mga sundalo na barilin sa ari ang mga babaeng miyembro ng New People's Army— James Relativo

vuukle comment

GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT

RODRIGO DUTERTE

VALUES EDUCATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with