^

Bansa

Pag-alis sa P500k danyos sa anti-terror bill dinepensahan ng gobyerno

James Relativo - Philstar.com
Pag-alis sa P500k danyos sa anti-terror bill dinepensahan ng gobyerno
Hawak ng babaeng ito ang isang placard sa ginanap na protesta kontra anti-terrorism bill sa UP Diliman noong ika-12 ng Hunyo, 2020
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang pagtatanggal ng mga mambabatas sa ilang monetary safeguards sa anti-terrorism bill, na layong pumigil sa mga bara-barang pag-aaresto sa reklamong "terorismo."

Sa ilalim ng Human Security Act, na planong palitan ng anti-terror bill, binabayaran nang P500,000 sa kada araw na pagkakakulong ang mga suspek na mapatutunayang inosente sa paratang.

Pero para kay Esperson, isa ito sa mga dahilan kung bakit "hindi naging epektibo" ang batas sa pagsawata sa terorismo.

"Ang masaklap lang talaga, 'yung sasabihin mo kapag nagkamali, ang penalty mo ay P500,000 a day, charged to the budget of the unit, or of the Office of the President, or of the future budgets of the Philippines. Ay napakahirap naman noon," sabi ni Esperon sa virtual Kapihan sa Manila Bay presser, Miyerkules.

"Kaya among other things, dahil sa P500,000 na 'yan, ay nagiging dead letter of law talaga itong Human Security Act."

Ang pagtatanggal nito sa anti-terror bill ay inirereklamo ngayon ng maraming human rights groups at Commission on Human Rights (CHR). Aniya, baka maabuso ito at basta na lang mang-aresto, maging ng mga kritiko ng gobyerno na hindi naman terorista.

Pinuna ni CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana ang desisyong ito ng Konggreso sa parehong komperensya: "In the old law... one of the safeguards that was taken out was the P500,000 penalty or fine that would be alloted to a suspect wrongfully detained."

Isa ang kanyang amang si Aquilino "Nene" Pimentel Jr. sa mga bumoto pabor sa HSA.

Pero depensa ni Esperon, na dating chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), marami namang probisyon sa anti-terror bill na magsisigurong maproprotektahan ang karapatang pantao. Sa lahat ng gagawing paniniktik at pag-aresto ay makikipag-ugnayan daw ang mga otoridad sa CHR.

"Otherwise, we face jail term. 10-12 years, mga ganoon. Hanggang 12 years nga 'yung ibang provisions dito. maraming provisions na maari kaming makulong," wika ni Esperon.

Maliban sa pagtatanggal sa multa, pwede ring ikulong sa panukala ang mga terror suspects nang 14 hanggang 24 araw kahit walang judicial warrant of arrest o kaso sa korte.

Basahin: Ano ang 'Anti-Terror Bill' at bakit may mga tutol dito?

Bibigyan din ng Section 25 ng anti-terror bill ng kapangyarihan ang Anti-Terrorism Council, na hindi korte, ng kapangyarihang ideklara ang sinumang indibidwal o organisasyon bilang "terorista."

Nasa Malacañang na ang nasabing panukala at naghihintay na lang ng pirma ni Pangulong Rodrigo Duterte bago tuluyang maging batas.

Protestang mauwi sa dahas, terorismo ba?

Taliwas sa depensa ng mga nagtatanggol sa bill, pinalagan din ni Pimentel-Gana ang pagiging "malabo" diumano ng panukala, bagay na maaari diumanong magbunsod ng excesses.

"Napakaganda pakinggan kung ano ang intent ng ating legislators. Pero hindi po kasi nakasaad sa bill. You know, when you make a law, it has to be clear. And it is not supposed to be open to misinterpretation," wika ng CHR commissioner.

Bagama't nakasaad sa Section 4 ng panukala na hindi terorismo ang aktibismo, kwinestyon din ng CHR kung pasok ba ang ilang protesta sa anti-terror bill. Nasa probisyon kasi na dapat walang intensyong makapinsala o makapanakit sa mga pagkilos, kahit nagkakaroon minsan ng girian kapag may dispersal ng pulis.

"[T]errorism as defined in this Section 6 shall not include advocacy, protest, dissent, stoppage of work, industrial or mass action, and other simdar exercises of civil and poitical rights, which are not intended to cause death or serious physical harm to a person, to endanger a person’s life, or to create a serious risk to public safety."

Pagtitiyak naman ni Interior Secretary Eduardo Año, hindi ito magiging saklaw ng terorismo. Nasa ilalim ni Año ang Philippine National Police (PNP), na madalas humarap sa mga nagproprotesta.

"Napakalinaw naman ng batas. 'Yung rally-rally na 'yan, expression, hindi naman 'yon part ng terrorism eh. And always out policy is to exercise maximum tolerance and calibrated response," sabi ng kalihim.

"Hindi siya papaasok dito... Walang mababago diyan. Ang pagkakaiba lang, is really we go after the terrorist."

ANTI-TERRORISM BILL

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

DAMAGES

EDUARDO ANO

FINE

HERMOGENES ESPERON

HUMAN SECURITY ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with