^

Bansa

Bayan Muna: Ugnayang POGO-illegal COVID-19 clinics imbestigahan

James Relativo - Philstar.com
Bayan Muna: Ugnayang POGO-illegal COVID-19 clinics imbestigahan
Sa kanilang House Resolution 971, hinimok ng Bayan Muna party-list ang Defeat COVID-19 Committee na imbestigahan ang diumano'y kuneksyon ng dalawa, lalo na't maraming gawaing iligal ang iniuugnay sa POGOs  gaya ng prostitusyon at tax violations.
AFP/Johannes Eisele, file

MANILA, Philippines — Ipinasisilip ngayon ng ilang militanteng mambabatas sa Kamara ang paglaganap ng mga iligal na medical facilities sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), na kadalasa'y pinapasukan ng mga Tsino.

Sa kanilang House Resolution 971, hinimok ng Bayan Muna party-list ang Defeat COVID-19 Committee na imbestigahan ang diumano'y kuneksyon ng dalawa, lalo na't maraming gawaing iligal ang iniuugnay sa POGOs gaya ng prostitusyon at tax violations.

"NOW THEREFORE BE IT RESOLVED, that the House of Representative, through the Defeat COVID-19 Committee to investigate, in aid of legislation, the alleged connection between the proliferation of [POGOs] and illegal medical facilities in the country," ayon sa resolusyong nilagdaan nito Bayan Muna Reps. Carlos Zarate, Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat.

Una nang inatasan ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration na tulungan ang Philippine National Police (PNP) na matunton ang mga nasabing iligal na pagamutan.

Basahin: NBI, BI to help police locate, probe illegal COVID-19 clinics

"These nefarious activities should be investigated and stopped the soonest, not only because they are illegal, but, also because the same also even threaten the very health and safety of our people in this time of pandemic," patuloy ng resolusyon.

Matatandaang ipinanawagan na rin ni Sen. Risa Hontiveros ang pagpapa-deport at pagpapa-blacklist sa mga Tsinong may kaugnayan sa mga 'di otorisadong klinika.

Serye ng raid, ugnayan sa mga banyaga

Ika-27 ng Abril nang hainan nang apat na criminal complaints ng Parañaque local government si Yumei Liang, isang Tsino, matapos magpatakbo ng iligal na medical facility sa baranggay Baclaran ng nasabing lungsod.

Umabot sa 470 kahon ng unregistered medicine para raw sa coronavirus disease (COVID-19) at human immunodeficiency virus (HIV) ang nasamsam ng otoridad sa naturang pasilidad.

Ika-19 naman ng Mayo nang salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group-Region 3 (CIDG-Region 3) at Food and Drug Administration (FDA) ang isang iligal na ospital sa Pampanga, na ekslusibong gumagamot ng mga manggagawang Tsino na nahawaan ng COVID-19.

Arestado roon ang dalawang Chinese nationals, na kinilalang sina Ling Hu (diumano'y may-ari) at Seung-Hyun Lee (diumano'y pharmacist). Sa kabila nito, pinakawalan din sila agad ng PNP Regional Office sa Camp Olivas nang walang kasong isinasampa sa kanila.

May kaugnayan: Illegal COVID clinic in Makati raided

Iniimbestigahan na rin ang diumano'y "mass testing" ng nasa 300 foreign POGO workers sa BF Homes Club House sa Parañaque. 'Yan ay kahit na Department of Health daw dapat na nagsasagawa nito, ayon sa kanilang alkalde na si Edwin Olivares.

Ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation, mayroong 60 accredited POGOs sa bansa, na nag-eempleyo ng 120,000 katao, karamihan ay mula sa Tsina.

BAYAN MUNA

HOUSE OF REPRESENTATIVES

NOVEL CORONAVIRUS

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATOR

RESOLUTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with