^

Bansa

COVID-free Marawi pinasok ng virus dahil sa 'Hatid Probinsya' program — mayor

Philstar.com
COVID-free Marawi pinasok ng virus dahil sa 'Hatid Probinsya' program — mayor
Satellite image ng Lungsod ng Marawi
Imahe mula sa Google Maps

MANILA, Philippines — Matapos hindi makapagtala ng coronavirus disease (COVID-19) infections nang lampas isang buwan, nanumbalik sa Lungsod ng Marawi ang nakamamatay na virus dahil sa programa ng gobyerno, ayon sa kanilang alkalde.

Sa nakalipas na 46 araw, walang bagong COVID-19 case sa Marawi, hanggang sa makapagtala nang walong positibong kaso kamakailan.

Sa ulat ng ABS-CBN, sinabi ni Majul Gandamra na nagmula sa "Hatid Probinsya" program ang mga nabanggit, karamihan mula sa Metro Manila.

"Sana bago sila umuwi, they have undergone testing na," sabi ni Gandamra.

"We are very supportive of the program. ‘Yung aming panawagan lang sana bago po nakaalis sa point of origin, dumaan na sila sa masusing examination."

Nilinaw ni Gandamra, at ng ABS-CBN, na hiwalay ang "Hatid Probinsya" sa programang "Balik Probinsya", kung saan magbibigay ang pamahalaan ng tulong pinansyal sa mga tagg lungsod na nais na bumalik sa kanilang probinsya para manirahan at mag-hanapbuhay.

Pagbabahagi ng alkalde, bagama't asymptomatic ang karamihan sa walo ay mahihirapan sila lalo na't dama pa rin nila ang epekto ng Maute at Abu Sayyaf attacks noong 2017.

Matatandaang nagdeklara ng martial law sa buong Mindanao si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng mga pag-atake, bagay na tumagal hanggang ika-31 ng Disyembre, 2019.

"'Yung aming facilities, hospitals di kakayanin kapag dumami positive," dagdag pa ng mayor.

Mapipilitan na raw sumulat ang mga lokal na pamahalaan ng Marawi at Lanao del Sur hinggil sa bagong infections, at aapela nang mas mahusay na koordonasyon sa pagpapatupad ng programa.

'Balik Probinsya'

Nitong Mayo lang nang maitala ang unang COVID-19 case sa Baybay City, Leyte, kung saan kasama sa unang batch ng "Balik Probinsya" ang pasyente.

Una nang binatikos ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) ang polisiyang "Balik Probinsya", at sinabing kinakailangan nitong langkapan nang "libreng pamamahagi ng lupa" kung gustong magtagumpay.

"Pagbalik sa probinsya, walang trabaho, walang lupa na masasaka para sa mga maralita, apektado pa ng militarisasyon," ani Danilo Ramos, tagapangulo ng KMP, sa Inggles.

"Kasing hirap na kalagayan ang dadatnan ng mga maralitang tagalungsod sa 'Balik Probinsya' Program." — James Relativo

BALIK PROBINSYA PROGRAM

MARAWI

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with