^

Bansa

COVID-19 patient sa Caloocan, kumpirmadong taga-Bulacan

Philstar.com
COVID-19 patient sa Caloocan, kumpirmadong taga-Bulacan
Sinasabing naka-admit sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang pasyente, na kasama sa 33 kasong naitala simula nang makapasok ang kinatatakutang virus sa bansa.
The STAR/Edd Guman

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng kinatawan ng unang distrito ng Caloocan na hindi nagmula sa kanilang lungsod ang coronavirus disease (COVID-19) patient na kasalukuyang naka-admit sa isa nilang ospital.

Sinabi ito ni Caloocan Rep. Dale Malapitan, Miyerkules, matapos beripikahin ang impormasyon mula sa kanilang health officers. 

"Ang pasyente ay residente po ng San Jose Del Monte City sa Bulacan at hindi taga-Caloocan," banggit ni Malapitan sa Facebook.

Sinasabing naka-admit sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ang pasyente, na kasama sa 33 kasong naitala simula nang makapasok ang kinatatakutang virus sa bansa.

Maliban sa COVID-19 positive patient, tatlong patients under investigation pa ang nasa nasabing ospital matapos magpakita ng mga sintomas: "Dalawa sa kanila ay nagmula sa Greenhills sa San Juan City," banggit pa ni Malapitan. 

Sa pinakabagong situation report ng World Health Organization, lumalabas na 113,702 na ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong mundo — 4,012 na sa kanila ang namamatay.

Pinakamalala pa rin ang epekto ng sakit sa Tsina, kung saan 80,924 na ang confirmed cases, na nagresulta sa pagkamatay ng 3,140 katao.

Isa pa lang ang namamatay sa mga tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.

Tuloy-tuloy naman ang koordinasyon ni Malapitan at ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa Department of Health hinggil sa mga nangyayari.

"Patuloy rin tayong nananawagan sa lahat ng mga Caloocaño na magpatupad ng tamang hygiene at sundin ang ipinapayo ng DOH tulad ng 'social isolation,'" patuloy niya.

"[N]ananawagan rin ako na huwag mag-panic sa harap ng kinakaharap na sitwasyon." — James Relativo

BULACAN

CALOOCAN

DALE MALAPITAN

NOVEL CORONAVIRUS

SAN JOSE DEL MONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with