^

Bansa

Bulkang Taal humina ang pagbuga ng abo, pero paglindol bahagyang dumami

James Relativo - Philstar.com
Bulkang Taal humina ang pagbuga ng abo, pero paglindol bahagyang dumami
Itsura ng mga naabong bahay sa paanan ng Bulkang Taal na kinunan mula sa Philippine airforce helicopter, ika-21 ng Enero.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Dagdag-bawas ang aktibidad ng Bulkang Taal, matapos dumami ang naitalang pagyanig ngunit paghupa ng pagbuga ng abo at sulfur, ayon sa pinakahuling ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Umabot ng 481 ang naitalang volcanic earthquakes sa nakalipas na 24 oras, mas mataas sa 448 na ibinalita kahapon ng Taal Volcano Network.

Kasama sa bilang na 'yan ang walong "low-frequency earthquakes," at ilang maliliit na paglindol na hindi kayang mai-record ng Philippine Seismic Network.

"Ang matinding aktibidad na 'yan ay sinyales ng tuloy-tuloy na magmatic intrusion sa ilalim ng Taal, na maaaring mauwi sa patuloy na pagputok," sabi ng Phivolcs sa Inggles, Miyerkules.

Sa tala naman ng PSN, tumuntong na sa 725 ang volcanic earthquakes na idinulot ng Taal simula ika-12 ng Enero, 1:00 ng hapon.

Dagdag pa nila, anim na lindol ang naitala mula kahapon ng 5:00 ng umaga hanggang 6:00 ng umaga ngayong araw — ngunit walang nadama sa mga ito.

Samantala, humina rin ang pagbubuga ng "white steam-laden plumes" ng bulkan, na umabot lang sa taas na 50 hanggang 500 metro mula sa Main Crater (pangunahing bunganga ng bulkan).

Mas mababa ang bugang iyan kumpara sa 500 hanggang 600 metrong taas na inabot ng abot sa ulat kahapon.

Bumaba rin ang paglabas ng sulfur dioxide mula sa average na 344 tonelada kada araw patungong 153 tonelada kada araw.

Alert Level hindi pa rin ibinababa

Sa kabila ng tila pagbaba ng mga aktibidad sa mga nakaraang araw, nananatili ang Alert Level 4 sa Taal.

"Ang ibig sabihin nito ay posible pa rin ang mapaminsalang pagsabog sa loob ng ilang oras hanggang ilang araw," paninindigan ng state volcanologists.

Muling nanindigan ang Department of Science and Technology-Phivolcs sa ipinatutupad na "total evacuation" ng Taal Volcano Island at mga high-risk areas na saklaw ng 14-kilometrong radius mula Taal Main Crater at sa kahabaan ng Pansipit River Valley, kung saan nakita ang mga bitak.

Taliwas 'yan sa patuloy na paghikayat ni Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan sa mga nasasakupang residente na bumalik sa kani-kanilang mga tirahan sa dahilang nakaaapekto na raw sa kanilang kabuhayan ang paglikas.

Matatandaang binira siya kahapon ni Phivolcs volcano monitoring and eruption prediction division chief Mariton Bornas at sinabing sila ang unang magsasabi kung ligtas nang bumalik sa nasabing lugar, habang ipinaaalalang siyensya ang kanilang batayan.

Binalaan naman noong Martes ni Region 4-A Police Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr. si Natanauan na magtigil na lang dahil mailalagay lang daw ang mga residente sa panganib.

"Kapag bumalik ang mga yan [mga tao] at may nangyaring masama, pag inabot kitang buhay (Vice Mayor Natanauan), iaalay kita sa Bulkang Taal," babala ng heneral sa bise alkalde.

ASHFALL

PHIVOLCS

TAAL VOLCANO

VOLCANIC EARTHQUAKES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with