Tulay sa kinabukasan: 6,000 na libro, handog sa kabataan ng Bicol
BICOL, Philippines — Mapa-saan mang baryo o siyudad sa bansa, mahalagang paigtingin ang edukasyon para sa ikahuhusay ng bawat batang Pilipino.
Maraming paraan upang ito ay makamit. Halimbawa ay ang pagbibigay ng sapat na training at seminars para sa mga guro upang mapabuti ang kanilang mga teknik at mapalawig pa ang kanilang galing sa paggawa ng materyales panturo.
Ang pagkakaroon din ng sapat na equipment at tamang bilang ng mga silid-aralan ay siya ring magtitiyak ng maayos na paghatid ng kaalaman sa kabataan. Isa sa mga proyektong mayroong malaking papel dito ay ang mga outreach programs at book donation drives mula sa mga mapagkawanggawa.
Sa layong ito, ang MoneyGram Foundation ay nagkaloob ng mahigit 6,000 na libro at dalawang “mobile gift carts" sa 15 mababang paaralan sa Legazpi at Iriga sa Bicol.
Kabilang ang Rawis Elementary School sa Legazpi City at ang Perpetual Help Tribal Community sa Iriga City sa mga nakatanggap ng benepisyo. Lubos ang saya ng mga kabataang mag-aaral sa mga natanggap na aklat, pang-aralin man o libangan tulad ng children’s stories.
Sa natura ding okasyon ay nagkaroon ng Tongue Twister reading contest na nasundan ng Career Talk, na pinangunahan ng isang propesyunal mula sa rehiyon. Binigyang-diin dito ang kahalagahan ng edukasyon sa pag-abot ng mga pangarap na propesyon. Ito ang makapagtatawid sa kabataan tungo sa mas maginhawang kinabukasan.
Katulong ng MoneyGram Foundation ang The Asia Foundation para maipatupad ng nasabing proyekto.
Sa temang “Inspiring Minds with the Gift of Literacy,” nilalayon ng proyekto na bigyang-pansin ang mga underserved na komunidad sa Pilipinas sa ngalan ng edukasyon.
“The MoneyGram Foundation was established with the goal of empowering school-aged youth through educational initiatives across the globe,”ani Sabrina Chan, marketing leader ng MoneyGram para sa APACMESA region.
“The partnership with The Asia Foundation’s Books for Asia program ensures students not only have access to books and libraries, but also have a chance for better economic opportunities, healthier families, and individual freedom and empowerment,” dagdag pa niya.
Ang mga nasabing donasyon ng MoneyGram ay konkretong tulong upang magkaroon ng sapat na access ang mga pampublikong paaralan sa mga aklat.
“The Asia Foundation’s Books for Asia program has donated books to the underserved communities of the Philippines since 1954 and continues to believe in the power of literacy to positively impact lives, both now and in the future. The Asia Foundation is grateful to the MoneyGram Foundation for its support in helping communities across the Philippines,” sabi naman ni Sam Chittick, country representative ng The Asia Foundation sa Pilipinas.
Kasama sa pagbibigay-donasyon si Robin Padilla na siyang brand ambassador ng MoneyGram at isa ring masugid na tagapagtaguyod ng edukasyon sa bansa.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahinlamang ng MoneyGram website sa moneygram.com.
- Latest