^

Bansa

Cancer patient, solo winner ng P50 milyon lotto!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Cancer patient, solo winner ng P50 milyon lotto!
Nagtungo kahapon ng umaga sa tanggapan ni Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) General Mana­ger Royina Marzan-Garma ang 65-anyos na lotto winner, na mula sa Cavite, upang kubrahin ang kanyang napanalunan.
The STAR/File

MANILA, Philippines — Solong napalunan ng isang cancer patient na senior citizen ang P50 milyong jackpot prize ng 6/49 Super Lotto, na binola noong Linggo ng gabi, Disyembre 1.

Nagtungo kahapon ng umaga sa tanggapan ni Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO) General Mana­ger Royina Marzan-Garma ang 65-anyos na lotto winner, na mula sa Cavite, upang kubrahin ang kanyang napanalunan.

Ayon kay Garma, hindi matatawaran ang kasayahang nadarama ng jackpot winner, nang personal na mahawakan ang tseke ng kanyang panalo.

Hindi umano akalain ng lola na matapos ang 30-taong pagtaya niya sa lotto ay magwawagi at masosolo pa niya ang napakalaking jackpot prize.

Nakatakda ring mag­diwang ng kanyang ka­arawan ang lotto winner sa susunod na linggo, kaya’t itinuturing niyang napakagandang birthday at Christmas gift ang kanyang panalo.

Matagal nang dumaranas ng nasopharyngeal cancer ang lola at isa siya sa mga bene­ficiaries ng PCSO, na nakakatanggap ng financial at medical assistance para sa kanyang chemotherapy.

Ayon kay Garma, Dis­yembre 1 nang tuma­ya ng lucky pick sa 6/49 Super Lotto ang lola, mula sa selling outlet sa Baclaran, at sinuwer­teng napanalunan ang winning combination na 5-38-09-17-10-15.

Plano umano ng lola na gamitin ang napa­nalunang premyo sa pagtustos sa kanyang pagpapagamot, at pagtulong sa kanyang mga kaanak.

GARMA

LOTTO WINNER

PCSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with