Pamaskong Handog ng SM at BDO para sa pamilyang OFWs
MANILA, Philippines — Muli na namang maghahatid ng natatanging pagdiriwang ng Kapaskuhan ang SM Supermalls at BDO para sa mga overseas Filipinos at kanilang pamilya sa pamamagitan ng Pamaskong Handog events na tinatampukan ng mga naglalakihang bituin sa Pilipinas.
Idaraos ito sa SM Seaside City Cebu Mountain Wing Atrium sa Disyembre 7, sa SM City Davao Event Center, Annex sa Disyembre 14, at SM City Telabastagan Event Center sa Disyembre 21.
Bilang espesyal na regalo, maraming ekslusibong deals, raffle at discounts ang naghihintay sa mga overseas Filipinos at kanilang mga benepisyaryo.
Ngayong taon, sa Pamaskong Handog ay pagsasama-samahin ang ilan sa mga pinakamalalaking bituin at tagapagtanghal. Kabilang dito sina Piolo Pascual, Kim Chiu; Ronnie Alonte at Loisa Andalio; pop rock band na Aegis; at “Tawag ng Tanghalan” finalist Jennie Gabriel.
Para makasali sa Pamaskong Handog event, bawat BDO Kabayan Savings account holders at isang kasama ay kailangan lamang ipakita ang kanilang ATM card o passbook. Para sa mga hindi pa accountholders, maaaring bisitahin ang BDO booth sa mga kasaling SM malls mula 10AM.
Para sa karagdagang detalye tungkol sa Pamaskong Handog events o #SparklingSMallidays activities, bumisita sa www.smsupermalls.com/, www.bdo.com.ph, o sa BDO Kabayan Facebook page.
Dalawang araw bago ang gaganaping 25th Conference of Parties (COP) sa The United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC), nagkaisa ang climate justice advocates sa Pilipinas na magsagawa ng Global Climate Strike upang himukin ang mga nasa gobyerno na tuldukan at pigilan ang paggamit ng ‘coal’ o karbon bilang enerhiya sa bansa.
Sa Manila, ang Power for People Coalition (P4P) ay nagsuot ng costume ng Spanish-speaking cartoon character Dora the Explorer upang himukin ang global leaders na dadalo sa COP sa Madrid, Spain na sabihin ang “hasta la vista’ to dirty and costly energy from coal.”
Sinabi ni P4P Convenor Gerry Arances na, nitong 2018, ang ‘global energy-related emissions’ ay tumaas ng 1.7%. At nito lamang nakaraang Linggo, Iniulat ng World Meteorological Organization (WMO) na umabot na sa ‘critical level’ na 400 parts per million (ppm) ang carbon dioxide (CO2) concentration. “At paaanong hindi ito mangyayari, 85% ng enerhiya ng mundo ay mula sa coal at ibang fossil fuels,” paliwanag ni Arances.
Gayunpaman, sa kabila na malaki na ang epekto sa klima ng paggamit ng ‘coal’, ay may mga bago na namang proyekto nito ang itinatayo sa bansa. At sa katunayan umano ay 579 gigawatt (GW) ng bagong planta ng karbon ang nasa ‘pipeline globally.’
Ang panawagang tuldukan o hadlangan na ang paggamit ng karbon sa enerhiya ay sinuportahan ng mga grupo sa komunidad sa bansa, na kinabibilangan ng La Union, Quezon, Palawan, Masbate, Pangasinan, Cebu, Negros Occidental, Leyte, Lanao del Norte, Davao, at Cagayan de Oro.
- Latest