^

Bansa

Sa pagkalunod ng kadete PMA instructors madidiin

Gemma A. Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sa pagkalunod ng kadete PMA instructors madidiin
Sinabi ni Police Colonel Allen Co na, bagaman pina-finalize pa nila ang investigation report sa naturang insidente, halos sigurado na sila na nagkaroon ng kapabayaan kaya nasawi si Telan.
Aldo Nelbert Banaynal

MANILA, Philippines — Dahil sa kapabayaan ng swiming instructors ng Philippine Military Academy (PMA) kaya nalunod at nasawi si Cadet Fourth Class Mario Telan Jr.

Sinabi ni Police Colonel Allen Co na, bagaman pina-finalize pa nila ang investigation report sa naturang insidente, halos sigurado na sila na nagkaroon ng kapabayaan kaya nasawi si Telan.

Nilinaw naman ni Co na pinag-aaralan na nila kung anong kaso ang isasampa laban sa swimming instructors subalit sa ngayon ay maaari silang maharap sa kasong negligence at reckless imprudence.

Ayon naman kay Ca­ptain Cherryl Tindog, spokesperson ng PMA, dalawang instructors ang iniimbestigahan sa nasabing insidente at iniimbestigahan narin nila ang CCTV footage para malaman ang sinasabing kapabayaan ng mga instructors.

Iginiit naman ni Tindog na maging ang mga plebo na kasama sa swimming class ay kanilang iim­bestigahan.

Matatandaan na ang katawan ni Telan ay na­tagpuan sa 15 feet na lalim ng swimming pool noong Biyernes at idineklarang dead on arrival sa PMA hospital.

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with