^

Bansa

Duterte 'mukhang pagod na pagod,' sabi ng ASEAN leaders — Panelo

James Relativo - Philstar.com
Duterte 'mukhang pagod na pagod,' sabi ng ASEAN leaders — Panelo
"Kung ako ang tatanungin niyo, dapat siyang mamahinga," paliwanag ni Panelo.
AFP/Lillian Suwanrumpha

MANILA, Philippines — Ikinabahala raw ng ilang pinuno ng Association of Southeast Asian Nations ang itsura ng Pangulong Rodrigo Duterte, na tila "subsob masyado sa trabaho," sa katatapos lang na summit ngayong 2019.

'Yan ang kinumpirma ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing sa Palasyo kanina, Miyerkules.

"May mga comment doon [ang] mga leaders eh. 'Parang pagod na pagod ang presidente niyo. Huwag niyo masyadong pagtrabahuhin,'" sabi ni Panelo sa pinaghalong Inggles at Filipino.

Nangyari ang ASEAN Summit noong nakaraang linggo, mula ika-1 hanggang ika-4 ng Nobyembre sa Bangkok, Thailand.

"Ang sabi namin eh, 'Actually, oo, talagang subsob siya sa trabaho. At kagagaling lang niya sa aksidente, kaya maaaring umambag 'yon sa nakikita niyo,'" patuloy ng presidential spokesperson.

Ika-15 ng Oktubre nang matumba si Duterte habang nagmomotorsiklo sa loob Presidential Security Group Compound.

Dahil sa iniindang pananakit ng katawan, matatandaang napauwi agad si Duterte mula sa kanyang Japan trip noong ika-22 ng Oktubre — dahilan para hindi niya madaluhan ang Emperor's banquet sa Imperial Palace.

Bukod sa kirot na pinagdaanan sa kanyang spinal column malapit sa kanyang pelvic bone, kilala si Duterte sa pagkakaroon ng maraming isyu sa kalusugan.

Ilan diyan ang myasthenia gravis, Barett's esophagus, paulit-ulit na migrain, motorcycle crash noong siya'y bata-bata pa atbp.

Duterte magli-leave?

Halos dalawang linggo na ang nakalilipas nang ilahad ni Sen. Christopher "Bong" Go, dating aide ni Duterte na madalas pa rin niyang kasama bumiyahe at kumain, na mamamahinga si Digong ng isang linggo matapos ang summit.

Sa kabila nito, sinabi ng Malacañang na hindi pa pinal ang desisyon na ito: "Wala pa. Tatanungin ko siya."

Pero sa tingin ng tagapagsalita, sana'y maghinay-hinay muna ang presidente sa ngayon.

"Kung ako ang tatanungin niyo, dapat siyang mamahinga," paliwanag ni Panelo.

Sa 16 presidenteng naluklok sa pwesto, si Duterte ang pinakamatanda nang manalo sa edad na 71 noong 2016.

ASEAN SUMMIT

FATIGUE

HEALTH ISSUES

RODRIGO DUTERTE

SALVADOR PANELO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with