^

Bansa

De Lima: Biktima ng drug war, napatay na aktibista ipagdasal ngayong Undas

James Relativo - Philstar.com
De Lima: Biktima ng drug war, napatay na aktibista ipagdasal ngayong Undas
"Isama po sana natin sila sa ating mga panalangin: Ang mga magsasaka na pinaslang habang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupang sakahan; ang mga abogado, pari at tagapagtanggol ng karapatang pantao na pinatay," ayon kay De Lima.
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Kasabay ng panalangin para sa mga yumaong kapamilya, nais ng isang senadora na isama ng mamamayang Pilipino sa kanilang pagdarasal ang mga binawian ng buhay diumano dahil sa rehimen ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sabi ni Sen. Leila de Lima ngayong Biyernes, marapat lang na sariwain ang buhay ng mga "naabuso" ng gobyerno at kanilang mga tagapagtanggol na sumakabilang buhay. 

"Isama po sana natin sila sa ating mga panalangin: Ang mga magsasaka na pinaslang habang ipinaglalaban ang kanilang karapatan sa lupang sakahan; ang mga abogado, pari at tagapagtanggol ng karapatang pantao na pinatay," ayon kay De Lima.

"Ang mamahayag na tuluyang pinatatahimik dahil sa pag-uulat... pati na ang mga walang kalaban-laban sa inosenteng bata, na biktima ng madugo at palpak na War on Drugs ng gobyerno."

Sinabi ito ni De Lima ilang araw matapos alukin ni Duterte si Bise Presidente Leni Robredo na pangasiwaan ang kampanya kontra-droga sa pamamagitan ng pagiging "drug czar."

Si Robredo, na suportado ni De Lima, ay hindi naman nananawagang itigil ang kampanya ngunit nais lang daw itong isaayos.

Nitong Agosto, pumalo na sa 6,847 ang namamatay sa gera kontra droga, ayon sa opisyal na tala ng Philippine National Police.

Malayo 'yan sa 27,000 na sinabi ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet noong Marso.

Patuloy ni De Lima, nagpapatuloy ang karahasan at patayan "araw-araw" na "nagpapanumbalik sa matinding sakit na nararamdaman ng bawat naulilang asawa, anak, kapatid at magulang."

"Ngayon pong Undas, ipagdasal at ipaglaban po natin ang katarungan para sa kanila upang makamit ng mga yumao at ng kanilang mga naiwan ang tunay na kapanatagan at kapayapaan," panapos ng senadora.

Nakatakdang i-presenta ni Bacelet ang isang "comprehensive report" tungkol sa sitwasyon ng karapatang pantao, at gera kontra droga, sa Pilipinas sa ika-44 sesyon ng UN Human Rights Council.

ALL SAINT'S DAY

ALL SOUL'S DAY

HUMAN RIGHTS

LEILA DE LIMA

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with