52 convicts na sumuko pinakawalan muli
MANILA, Philippines — May 52 convict na naunang pinalaya dahil sa good conduct pero sumuko makaraang magbigay ng ultimatum si Pangulong Duterte sa mga heinous crime prisoner ang pinakawalan muli mula sa kulungan.
Ito ang ipinahayag ni Department of Justice Undersecretary Markk Perete na nagsabi pa na, batay sa kumpirmasyon ng Bureau of Corrections, ang una sa dalawang batch ay pinalaya nitong nagdaang Biyernes.
Kabilang sa mga pinalaya iyong ang mga kaso ay hindi sakop ng heinous crime, mga napawalang-sala sa kaso, at mga nabigyan ng tamang pardon at parole.
Binigyan sila ng certificates bilang proof of release pero hindi ito agad maisasapubliko, ayon pa kay Perete.
Gayunman, naglalaman ito ng mga impormasyong tulad ng date of and ground/basis for previous release; date of surrender; re-evaluation finding; and basis (acquittal, grant of parole, etc) for re-release.”
Sinabi pa ni Perete na ang mga convict na nakatira sa Metro Manila ay agad na pinalaya habang inaayos pa ang transportasyon ng mga naninirahan sa mga probinsiya.
Ang mga pinalaya ay kabilang sa mahigit 2,100 convict na sumuko makaraang magbigay si Duterte ng 15-araw na ultimatum sa kanila.
Ginawa ni Duterte ang utos dahil sa kontrobersiya sa iregular na maagang pagpapalaya sa mga heinous crime convict na hindi dapat saklawin ng GCTA policy.
- Latest