^

Bansa

'Di nakokolektang tax sa dayuhang POGO workers ipinasisilip sa Senado

James Relativo - Philstar.com
'Di nakokolektang tax sa dayuhang POGO workers ipinasisilip sa Senado
Aniya, hindi lang ito isyu ng nawawalang pondo ngunit hindi rin daw ito patas sa mga Pilipinong nagbabayad ng tamang buwis.
AFP/Marcus Erricson, File

MANILA, Philippines —  Pinaiimbestigahan ni Sen. Sherwin Gatchalian malaking halaga ng hindi nakokolektang buwis mula sa registered at unregistered foreign workers, lalo na sa mga nasa Philippine Offshore Gaming Operators.

Sa inihain niyang Senate Resolution 89 nitong Martes, sinabi ni Gatchalian na nakababahala na ang paglobo ng Chinese POGO workers, maliban sa 130,000 indibidwal na hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno.

"Merong pangangailangang i-review ang ating kakayahang palakasin ang kapasidad na ipatupad ang ating tax, immigration at labor laws," diin ni Gatchalian sa Inggles.

Aniya, hindi lang ito isyu ng nawawalang pondo ngunit hindi rin daw ito patas sa mga Pilipinong nagbabayad ng tamang buwis.

Ika-25 ng Marso nang sabihin ng Department of Finance na posibleng P22.5 bilyon na income tax ang hindi nakokolekta taun-taon mula sa banyagang nagtratrabaho sa mga POGO.

Hindi rin nakakokolekta ng P18,750 buwis ang Bureau of Internal Revenue kada banyaga buwan-buwan, na kadalasang pinapatawan ng 25% income tax sa kanilang sweldo.

Labas pa 'yan sa mga allowance at fringe benefits na maaari ring buwisan.

"Mahalagang maglunsad ng pagtatasa at masusing pagsusuri ang Senado kung paanong mas mapahuhusay ng mga ahensya ang paggampan ng kanilang mga tungkulin bago magpasa ng mga panibagong batas na mahihirapan silang maipatupad," sabi ni Gatchalian.

Umabot lang din daw sa 10,000 Tax Identification Numbers ang naibigay ng BIR sa 130,000 unregistered POGO workers na nakadestino sa Maynila, Parañaque at Pasay.

Alinsunod sa National Internal Revenue Code, kinakailangang magbayad ng buwis ng sinumang dayuhan, nakatira man sa bansa o hindi, basta't sa Pilipinas siya kumita ng pera.

Sa kabila nito, nitong Hulyo lang unang nagkaroon ng automatic withholding ng personal income taxes ng mga nasa POGO na umabot sa P200,000.

Matatandaang dumipensa ang Philippine Amusement and Gaming Corp. sa planong lumikha ng mga "sef-contained" communities o hubs upang protektahan diumano ang mga Tsinong nagtratrabaho sa online gaming industry. 

Bagama't maraming Tsino ang nasa mga POGO, iligal para sa mga kanila na magsugal alinsunod sa kanilang mga batas.

Magtatayo na rin ang Department of Labor and Employment ng mga "one-stop shop" para mapabilis ang pagbibigay ng alien employment permits bilang tugon sa pagdami ng foreign nationals na nais magtrabaho sa mga POGO. — may mga ulat mula sa BusinessWorld at The STAR

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHINESE EMBASSY

INCOME TAX

PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS

POGO

SHERWIN GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with