China nag-donate ng P10M sa Batanes quake victims
MANILA, Philippines — Nagbigay kahapon ng P10 milyong donasyon ang China sa Department of Interior and Local Government (DILG) para sa rehabilitasyon at relief operations ng tinatayang 2,000 biktima ng lindol sa Batanes nitong Hulyo 27.
Tinanggap nina DILG Sec. Eduardo Año at Batanes Gov. Marilou Cayco ang P10M cash relief mula kay Chinese Ambassador Zhao Jianhua.
Sinabi ni Año na lubos siyang nagpapasalamat sa tulong ng pamahalaan ng China lalo na sa panahon ng krisis. Ang China ay isa sa mga bansang tumulong sa tropa ng AFP na nagdonasyon ng mga armas noong kasagsagan ng Marawi City siege.
Ayon naman kay Jianhua, ikinokonsidera ngayon ng kanilang pamahalaan na magbigay rin ng development assistance para sa Batanes.
- Latest