^

Bansa

Libreng Wi-Fi sa gov't offices, ospital, key areas ng Maynila isinapinal na

James Relativo - Philstar.com
Libreng Wi-Fi sa gov't offices, ospital, key areas ng Maynila isinapinal na
Ilan sa tinukoy na makakukuha ng 30-minute free access araw-araw ang Manila City Hall, Ospital ng Maynila, Tondo Medical Center, Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Universidad de Manila at Museo Pambata.
Released/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Lumagda ng memorandum of agreement ngayong umaga ang lokal na gobyerno ng Maynila at PLDT-Smart Communications upang magbigay ng "mabilis" at libreng wireless internet connection sa kalunsuran.

Isinapormal nina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, PLDT chair at chief executive officer Manny V. Pangilinan, at Smart chief revenue officer Alfredo Panlilio kanina ang kasunduan sa Manila City Hall.

"[A]ccording to Smart officials, after signing ng memorandum, ipapakabit na nila ang free WiFi sa mga designated sites, then maaaccess na ng users in 30 to 60 days," ani Julius Leonen, hepe ng Manila Public Information Office.

Ilan sa tinukoy na makakukuha ng 30-minute free access araw-araw ang:

  • Manila City Hall
  • Ospital ng Maynila
  • Tondo Medical Center
  • Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center
  • Universidad de Manila
  • Museo Pambata

Oras na maitalaga, maisasama ang mga nabanggit na lugar sa lumalaking listahan ng 400 live Google Station sites na inanunsyo ng Smart at Google Philippines nitong Hulyo 2019.

"Maligaya kaming makipagtrabaho sa city government ng Maynila at mayor Isko para makapagbigay ng connectivity sa lungsod at dalhin ang benepisyo ng internet sa mas maraming Pilipino sa bansa," sabi ni Pangilinan Miyerkules sa Inggles.

Sabi naman ni Panlilio, ginagawa raw nitong mas accessible sa lahat ang connectivity upang mapanatiling "in touch" ang mga magkapamilya at magkakaibigan.

Makatutulong din daw ito upang maabot ang mga susing online government at banking services.

vuukle comment

FREE INTERNET

ISKO MORENO

MANILA CITY GOVERNMENT

MANNY V. PANGILINAN

PLDT-SMART

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with