^

Bansa

Patay sa Jolo bombing, 22 na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Patay sa Jolo bombing, 22 na
Matatandaang niyanig ng magkasunod na pagsabog ang Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo habang idinaraos ang misa sa lugar.

MANILA, Philippines — Umaabot na sa 22 katao ang nasawi sa twin bombing ng Jolo Cathedral noong Enero 27 matapos na isa pang ginang ang bawian ng buhay sa pagamutan.

Sinabi ni AFP Western Mindanao Command Spokesman Col. Gerry Besana, na ang biktimang si Thelma Villanueva ay binawian ng buhay sa Intensive Care Unit (ICU) ng Zamboanga City Medical Center.

Ang labi ni Villa­nueva, 68, ay dadalhin ng kaniyang pamilya sa Basilan.

Kabilang sa 22 nasawi ay anim na sundalo, isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) at 15 sibilyan habang nasa 110 ang nasugatan.

Matatandaang niyanig ng magkasunod na pagsabog ang Our Lady of Mt. Carmel Cathedral sa Jolo habang idinaraos ang misa sa lugar. Ang unang bomba ay sumabog sa loob habang ang isa ay sa labas ng simbahan.

Inako ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pambobomba habang tinukoy naman ng AFP at PNP na ang Ajang-Ajang group na kaalyado ng Abu Sayyaf ang nasa likod ng pagpapasabog.

Apat na persons of interest ang tinukoy pero inabsuwelto at pinalaya rin ng mga awtoridad.

GERRY BESANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with