Pagbuo ng Senior Citizens Commission ok sa Senado
MANILA, Philippines — Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang pagbuo ng isang komisyon para sa mga senior citizens.
Sa botong 12 na walang abstention, nakalusot ang Senate Bill 2159 na naglalayong itayo ang National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, sponsor ng panukala, pangunahing tututukan ng komisyon ang lahat ng isyu at programa ng mga senior citizens.
Ayon naman kay Sen. Vicente Sotto III, mahalagang matiyak na napapangalagaan ang karapatan ng mga senior citizens at naipatutupad ang mga programang nararapat sa kanila.
- Latest