^

Bansa

Lapeña, 50 pa kinasuhan sa magnetic lifters

Doris Franche, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lapeña, 50 pa kinasuhan sa magnetic lifters
Ang mga tauhan ng NBI dala ang bulto-bultong mga dokumento sa paghahain ng graft at administrative cases laban kay ex-BOC Chief Isidro Lapeña.

MANILA, Philippines — Sinampahan na kahapon sa Department of Justice (DOJ) ng mga kasong kriminal at administratibo ng National Bureau of Investigation (NBI) si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña at 50 iba pa kaugnay sa dalawang insidente ng drug shipments na ipinuslit sa pamamagitan ng magnetic lifters.

Tig-2 counts ng pag­labag sa Anti-Graft ang Corrupt Practices Act at mga kasong administratibo na dereliction of duty, grave misconduct ang isinampa laban kay Lapeña dahil sa kabiguan nito na kasuhan ang consignees, importers at brokers ng 2 magnetic lifters na hinihinalang may shabu sa Port of Manila at apat pang magne­tic lifters na natagpuang walang laman sa Cavite. 

Kaugnay ang kaso sa pagkakadiskubre ng dalawang malalaking shipment ng shabu sa magnetic lifters na uma­bot sa mahigit P13-bil­yon, nang siya ay nakaupo bilang BOC chief.

Si Lapeña ay kasalukuyan director general ng  Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Ang katulad na reklamo ay isinampa rin ng NBI laban sa mga sinibak na tauhan ng Port of Manila District Collector na si Vener Baquiran dahil sa pagkabigo nito na ideklara ang dalawang magnetic lifters na inabandona sa Port of Manila.

Kinasuhan din sina Port of Manila at X-ray Inspection Project head Zsae Carrie de Guzman at 2 iba pa dahil sa pagpayag na makalabas sa Bureau of Customs ang apat na magnetic lifters.

Samantala may 50 katao ang respondent sa reklamong importation of illegal drugs, graft at grave misconduct, kasama sina dating PDEA Deputy Director General for Administration Ismael Fajardo, Jr., dating PNP-AIDG OIC Senior Supt. Eduardo Acierto, da­ting Customs intelligence agent Jimmy Guban, P/Insp. Lito Pirote at Joseph Dimayuga.

Ang kaso ay nag-ugat sa nadiskubreng dala­wang inabando­nang magnetic lif­ters sa Port of Manila noong Agosto, 2018 na umano’y naglalaman ng 355 kilo ng shabu nagkakahalaga ng P2.4 bilyon.

Isang araw ang nakalipas, nadiskubre naman sa isang bodega sa G­eneral Mariano Alvarez, Cavite ng PDEA ang apat pang magnetic lifters na hinihinalang may 1.6 tonelada ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P11 bilyon.

DEPARTMENT OF JUSTICE

ISIDRO LAPEñA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with