^

Bansa

Trillanes naghain ng 'not guilty' plea para sa libel

James Relativo - Philstar.com
Trillanes naghain ng 'not guilty' plea para sa libel
Ayon kay Sen. Antonio Trillanes IV, inihain lang ang kaso para i-"harass" siya.
The STAR/KJ Rosales, File

MANILA, Philippines — Naghain ng not guilty plea si Sen. Antonio Trillanes IV matapos basahan ng sakdal sa apat na charges ng libel sa Regional Trial Court Branch 54 ng Davao City ngayong umaga.

Itinakda ng Davao RTC ang arraignment sa balwarte ng Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw. Kilalang kritiko ng pangulo ang senador.

Humaharap sa kasong libel si Trillanes matapos ireklamo ng anak ng presidente, si dating Davao City vice mayor Paolo Duterte.

Noong Disyembre, naglabas ng isang pahinang warrant of arrest laban sa senador para sa kasong libel. Umabot ng P96,000 ang inihaing piyansa (P24,000 kada count ng libel) ni Trillanes sa Pasay RTC kaugnay ng reklamo.

Inakusahan ni Paolo si Trillanes ng paninirang puri sa isang panayam sa radyo sa Cebu. Dito, inakusahan ni Trillanes ng korapsyon at pangingikil si Paolo kaugnay ng Uber at iba pang mga kumpanya na nire-regulate ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Road Board at Department of Public Works and Highways.

Iniuugnay din ni Trillanes ang nakababatang Duterte at bayaw na si Manases Carpio sa kalakalan ng shabu.

Ayon kay Trillanes, isinampa ang kaso para i-"harass" siya.

'Travel ban' hindi pinagbigyan

Samantala, ibinasura din ng Davao RTC ang hiling ng gobyero na isyuhan ng travel ban si Trillanes. Aniya, hindi "flight risk" ang senador.

Humihingi kasi ng hold departure order ang Department of Justice laban kay Trillanes.

Pansamantala ring tinanggal ng Makati court ang travel ban sa kanya matapos buhayin ang kasong rebelyon laban sa senador.

DAVAO REGIONAL TRIAL COURT

LIBEL

PAOLO DUTERTE

RODRIGO DUTERTE

SEN. ANTONIO TRILLANES

UBER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with