Usman death toll: 126
MANILA, Philippines — Umabot na sa 126 katao ang nasawi habang 75 ang nasugatan at 26 ang nawawala sa bagyong Usman na nanalasa sa bansa noong kapaskuhan.
Samantala, mahigit sa apat na bilyong pisong halaga sa agrikultura at imprastraktura ang nasira.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC), umabot sa P4,249,398,276 ang napinsala ng nasabing bagyo kung saan P948,693,77 dito ay sa agrikultura at P3,300,704,500 sa imprastraktura.
Ito ay dahil umabot sa 215 lugar ang binaha kabilang dito ang Calabarzon, Mimaropa. Regions V, VI at VIII.
Dahil din sa bagyo kaya lumikas sa kanilang mga bahay ang may 13,202 pamilya at pansamantalang sumilong sa may 125 evacuation centers habang 19,825 apektadong pamilya ang nanatili sa kanilang mga lugar.
Mayroon namang 9,544 tahanan ang nasira ni Usman dulot ng malakas na hangin, ulan at mga landslides sa naturang mga lugar.
- Latest