^

Bansa

Kiss nina Digong, Pinay sa SoKor nasa 'Reuters 2018 Top News'

James Relativo - Philstar.com
Kiss nina Digong, Pinay sa SoKor nasa 'Reuters 2018 Top News'
Umani ng batikos sa iba't ibang personalidad ang paghalik ng pangulo.
Video grab courtesy of RTVM

MANILA, Philippines — Na-feature sa "2018 in review" ng international wire agency na Reuters ang paghalik ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang Pinay sa kanyang pagbisita sa South Korea, Hunyo noong nakaraang taon.

Maaalalang umani ito ng batikos sa iba't ibang grupo gaya ng Gabriela at Bagong Alyansang Makabayan.

Tinawag naman itong "showbiz" ng pangulo at sinabing wala itong malisya. Aminado naman si Digong na nag-"enjoy" siya rito.

"We enjoyed it (kissing). It was showbiz and everybody enjoyed it. I do not do it in public if there is malice (Nasiyahan kami. Showbiz lang 'yan at nag-enjoy naman ang lahat. Hindi ko 'yan ginagawa sa publiko kung may malisya)," ani ng pangulo.

Ipinagtanggol naman ng Pinay, na may asawang Koreano at dalawang anak, ang halik at sinabing "pampakilig sa audience" ang nangyari.

"Yung kiss, twist lang ‘yun. Pampakilig sa audience. Walang ibig sabihin ‘yun. Promise. Walang ibig sabihin sa akin, sa kanya," ayon sa Pinay.

Matapos ang insidente, makikitang tinanggal ng RTVM sa kanilang opisyal na Youtube channel ang aktwal na footage ng paghalik.

DUTERTE

KISS

SOUTH KOREA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with