Balasahan sa House tuloy
MANILA, Philippines — Patuloy ang reorganisasyon sa chairmanship ng ilang komite ng Kamara matapos ang pagpapalit ng speaker noong nakaraang linggo.
Inihalal bilang bagong chairman ng House Committee on Constitutional Amendments si Rep. Vicente Veloso.
Gayundin si Rep.Rodrigo Abellanosa bilang chairman ng House Committee on Natural Resources.
Pinalitan ni Veloso si Cong Roger Mercado habang si Abellanosa naman ay si Cong Arnel Ty na sumama sa grupo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez at Ilocos Norte Rep. Rudy Fariñas.
Ginawa ang paghalal sa dalawa bago mag-adjourned ang session noong Miyerkules ng gabi subalit ang isyu ng sa agawan ng minorya sa Kamara ay hindi pa rin nasolusyunan ng bagong liderato ng Kamara. Sinabi naman ni Majority Leader Rolando Andaya na sa Lunes na nila itutuloy ang debate tungkol sa nasabing isyu.
Samantala, simula sa Lunes ay alas-3 na ng hapon mag-uumpisa ang sesyon ng Kamara, ito ay usang oras na mas maaga kumpara sa nakagawiang sesyon na nag-uumpisa ng alas-4 ng hapon.
Ang hakbang ay salig sa naging mosyon ni Andaya na inaprubahan naman ng plenaryo.
- Latest