^

Bansa

Solon inireklamo ng brgy. officials ng paglabag sa Comelec law

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan ng mga barangay officials ng Batangas ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code sa Come­lec si House Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas 2nd District.

Ang paghahain ng kaso ay pinangunahan nina Barangay Chairman Norberto Abanilla ng Barangay Tayuman, Lobo at Nicanor Conti ng Barangay Alalum sa San Pascual, Batangas

Kasong vote buying at paggamit ng public funds nag inihaing kaso ng mga barangay officials laban kay Abu.

Nag-ugat ang kaso ng padalhan ng liham ni Abu ang kanyang mga “iskolar” sa ilalim ng Raneo E. Abu Youth and Scholars Association” na may petsang Mayo 4, 2018 gamit ang official seal ng House of Representatives na may lagda umano ng kongresista.

Sa naturang liham ay lantaran nitong iniindorso para iboto ang kanyang kandidatong chairman. 

Sa ilalim ng Section 261 (o) (1) ng Omnibus Election Code, “any person who uses under any guise whatsoever, directly or indirectly, public funds for any election campaign or for any partisan political activity shall be guilty of an election offense. Section 261 (a) (1) of the same code likewise penalizes any person who gives, offers or promises money or anything of value, in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election is guilty of vote-buying,” anang rek­lamo.

Nauna ng nagbabala ang Comelec at DILG sa mga local officials at mga kongresista na huwag makialam sa Barangay at SK elections. 

BARANGAY OFFICIALS

OMNIBUS ELECTION CODE

RANEO ABU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with