Milyong estudyante ga-graduate sa K-12
MANILA, Philippines — Kabuuang 1,252,357 estudyante ang ga-graduate ngayong taon sa K-12 na siyang unang batch mula ng ipatupad ang programa.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, umaasa siyang makakakuha agad ng trabaho ang mga graduate ng technical-vocational-livelihood track habang magpapatuloy naman sa pag-aaral sa kolehiyo ang iba.
Tiniyak ni Briones, may naghihintay na trabaho sa mga new graduate sa K-12 dahil humiling na sila sa mga malalaking kumpanya na bigyan ng prayoridad ang mga estudyante kung saan sila nagsagawa ng On the Job Training (OJT).
Sinabi ni Briones, nakikipagtulungan na sila ngayon sa mga kumpanya na magdaos ng jobs fair para sa mga senior high school graduate.
Sa ngayon, masusi nilang imomonitor ang mga new graduates ng K-12 at tututukan kung papaano pa pagagandahin ang programa para sa mga susunod pang magtatapos sa programa.
- Latest