^

Bansa

Paolo Duterte nagbitiw sa puwesto!

Rudy Andal at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Paolo Duterte nagbitiw sa puwesto!

Kabilang  sa idinahilan ni Duterte ang pagdadawit sa kanyang pangalan sa umano’y “Davao Group” na nakasisira sa kanyang reputasyon bilang public official dahil sa kontro­bersyal na pagkakapuslit ng 604 kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon sa Bureau of Customs. AP/Bullit Marquez, File

MANILA, Philippines — Dahil sa umano’y delicadeza, nagbitiw kahapon si Presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kanyang posisyon.

Sa kanyang statement, idinahilan ng bise alkalde na delicadeza ang nagtulak sa kanya para magbitiw bilang bise alkalde dahil sa mga pagkakamali sa kanyang buhay na karugtong ng kanyang unang kasal.

Kabilang  sa idinahilan ni Duterte ang pagdadawit sa kanyang pangalan sa umano’y “Davao Group” na nakasisira sa kanyang reputasyon bilang public official dahil sa kontro­bersyal na pagkakapuslit ng 604 kilong shabu na nagkakahalaga ng P6.4 bilyon sa Bureau of Customs (BOC).

Magugunita na tinukoy ng customs broker na si Mark Taguba sa mga ginanap na Senate Blue Ribbon Committee hearings na bahagi ng Davao Group sina Paolo Duterte at Davao Councilor Nilo “Small” Abellera Jr. na kanilang mariing pinabulaanan.

Lumabas din ang kontrobersyal na isyu tungkol sa pag-aaway ni Paolo at anak ni Isabelle, ang kanyang anak na babae mula sa dating asawa na si Lovelie Sangkola.

Nagpatutsadahan ang mag-ama sa social media matapos na magpasaring si Isabelle sa kanyang social media account laban sa amang si Paolo dahil sa umano’y pananakit ng huli sa ibang tao dahil lamang sa pagkakaroon ng posisyon sa lungsod.

“These, among others, include the maligning of my reputation in the recent name dropping incident in the Bureau of Customs smuggling case and the very public squabble with my daughter. The other person in this failed relationship is incorrigible and cannot be controlled and I take responsibility for all that has happened as a result of a wrong decision to marry at a very young age,” ayon sa statement ni Duterte.

Binigyang-diin ni Duterte na hindi kailanman nagkulang ang magulang nito sa pagpapaalala sa kanila kung paano bibigyang halaga ang prinsipyo at delicadeza.

“When I was growing up my parents never failed to remind us of the value of the time honored principle of delicadeza and this is one of those instances in my life that I need to protect my honor and that of my children...I hereby tender my resignation as Vice Mayor of Davao City effective today December 25, 2017,” ayon sa bise alkalde.

Samantala, pinuri ng ilang senador si Duterte dahil sa desisyon nito na magbitiw sa puwesto.

Tinawag ni Sen. JV Ejercito na isang “supreme sacrifice” ang ginawa ni Duterte na posible aniyang iniiiwas ang kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte sa iba pang kontrobersiya hindi lamang sa personal kundi sa politikal na isyu.

“It takes guts and courage to make that ultimate sacrifice,” dagdag nito.

Sinabi naman ni Sen. Tito Sotto III na may personal na rason si Paolo Duterte sa kanyang na­ging desisyon. Ipinapakita rin aniya ng vice mayor na mayroon siyang delicadeza at may karangalan upang ito ay protektahan.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with