^

Bansa

Shipment ng manok mula Luzon ipinagbawal ng DA

Doris Borja at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Shipment ng manok mula Luzon ipinagbawal ng DA

Bunsod ng bird flu outbreak sa Pampanga, ipinagbawal muna ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang shipment ng mga manok na nanggagaling sa Luzon. File

MANILA, Philippines - Bunsod ng bird flu outbreak sa Pampanga, ipinagbawal muna ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang shipment ng mga manok na nanggagaling sa Luzon.

“I have ordered the ban of the shipment of fowls from Luzon to other parts of the country,” Piñol sa kanyang Facebook account.

Layon anya ng pamahalaan na i-contain ang paglaganap ng kauna-unahang bird flu outbreak sa bansa.

Gayunman hindi naman apektado rito ang importation ng manok subalit kailangan pa ring sumunod sa kanilang advisory kung saan kailangan na sumailalim sa quarantine.

Samantala, sinabi rin ni Piñol na babayaran ng P80 ang bawat isang manok na kakatayin upang makabawi ang may-ari nito.

Mayroon din aniyang loan package para sa mga farmers na naapektuhan ng outbreak.

Kaugnay nito, tiniyak ng Malacañang na walang pagtaas sa presyo ng manok at iba pang poultry products sa mga pamilihan sa kabila ng avian flu outbreak sa Pampanga.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, walang price increase sa mga poultry products dahil iisang lugar lang naman ang apektado ng bird flu.

“Concerned government agencies are now looking at businesses that might take advantage of the situation and are monitoring the price of raw and processed chicken meat in the markets. We must see to it that uncontaminated meat is sold in the markets,” sabi ni Abella.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with