^

Bansa

Martial Law sa Mindanao aprub sa SC

Doris Borja at Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon
Martial Law sa Mindanao aprub sa SC

Sa botong 11-3-1, ibinasura ng SC sa en banc session nito ang tatlong petisyon na kumukwestiyon sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao at nagsususpindi sa privilege of the writ of habeas corpus sa rehiyon sa loob ng 60 araw. File

MANILA, Philippines - Pinagtibay kahapon ng Korte Suprema ang Proclamation 216 ni Pangulong Duterte na nagdedeklara ng Martial Law sa Min­danao.

Sa botong 11-3-1, ibinasura ng SC sa en banc session nito ang tatlong petisyon na kumukwestiyon sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao at nagsususpindi sa privilege of the writ of habeas corpus sa rehiyon sa loob ng 60 araw.

Ayon kay SC Spokesperson Atty. Teodore Te, pinaboran ng 11 justices ang batas militar kabilang sina Justices Presbitero Velasco, Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Justice Lucas Bersamin, Maria­no del Castillo, Jose Mendoza, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe, Francis Jardeleza, Sa­muel Martires at Noel Tijam.

Partially granted naman ang boto ng 3 mahistrado na sina SC Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Justices Antonio Carpio at Benjamin Caguioa na nagsabing dapat limitado lamang sa Marawi ang masakop ng martial law.

Tanging si Justice Marvic Leonen ang kumontra.

Kumbinsido ang Korte Suprema na mayroong sufficient factual basis sa pagdedeklara ng martial law. Si Justice Mariano del Castillo ang sumulat ng desisyon.

Lumilitaw na ibinabasura rin ng Korte Suprema ang consolidated petitions na inihain ng grupo ng mga mambabatas mula sa oposisyon sa pangunguna ni Albay Rep. Edcel Lagman; mga militanteng grupo na kinabibilangan ng Bayan, Gabriela, ACT Party List at Kabataan Party List; at apat na mga residente mula sa Marawi City.

Hunyo 13 hanggang 15 isinagawa ang oral arguments sa mga petisyon.

Mayo 23 nang idinek­lara ni Pangulong Duterte ang martial law sa Minda­nao sa loob ng 60 araw dahil sa pag-atakeng inilun­sad ng mga teroristang gru­po sa pangunguna ng Maute sa Marawi City sa hangarin na makapagtayo roon ng teritoryo ng Islamic State.

Nagpasalamat naman kahapon ang Malacañang sa Korte Suprema matapos katigan at ideklarang legal ang Martial Law ni Pangulong Duterte.

“The High Court has spoken: Proclamation 216 is constitutional,” pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa isang statement.

Samantala, posibleng irekomenda ng PNP at AFP na palawigin pa ang pinaiiral na martial law sa buong rehiyon ng Min­danao.

Sinabi ni PNP Chief P/Director Gen. Ronald dela Rosa na nag-usap na sila ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año sa posibleng pagpapalawig pa ng martial law sa rehiyon upang bigyang proteksyon ang rehabilitation phase ng lungsod ng Marawi.

“Mahirap namang nagpapanday ka doon ay may putok-putok pa na nangyayari di ba, para safe ang mag-rehabilitate, i-extend muna ang martial law  para maganda ang kalabasan ng reconstruction, rebuilding of Marawi,” anang PNP chief. Dagdag ulat ni Joy Cantos

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with