^

Bansa

PNP pinaiimbestigahan sa UN

Pilipino Star Ngayon
PNP pinaiimbestigahan sa UN

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang grupo sa United Nations na imbestigahan ang Philippine National Police dahil sa mga nagaganap na patayan sa bansa.

Sinabi ni Human Rights Watch Asia deputy Director Phelim Kine na bababa man ang bilang ng mga namamatay sa pagsuspinde ng anti-drug operations ay kailangan pa rin bigyan ng hustisya ang nasa 7,000 nasawi sa kampanya laban sa ilegal na droga.

"The Philippine police won’t seriously investigate themselves, so the UN should take the lead in conducting an investigation," pahayag ni Kine.

Sa naturang bilang ng mga nasawi mula nang maupo sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte, 2,251 ang bilang ng mga napatay ng mga pulis sa lehitimong operasyon kung saan ang lahat aniya ay nanlaban.

Sinabi ng HRW na hindi naman kayang mapatunayan ng mga pulis na pinrotektahan lamang nila ang kanilang sarili laban sa mga inaaresto.

Itinigil muna ng PNP ang kanilang anti-drug operation kung saan binuwag na rin ang anti-illegal drug group alinsunod na rin sa utos ng Pangulo.

Sinabi ni PNP Director General Ronald dela Rosa na lilinisin muna nila ang kanilang hanay laban sa mga abusadong pulis.

"Starting today, I am dissolving the Anti-Illegal Drugs Group and all anti-drug units from the national down to the police station level – PAIDSOTF, DAIDSOTF, SAIDOTF. All of these are now dissolved and deactivated. No more anti-drug operation," wika ni Dela Rosa.

Nag-ugat ang pagbubuwag sa grupo matapos ang pagkamatay ni Korean businessman Jee Ick Joo na pinaslang sa loob ng Camp Crame.

OPLAN TOKHANG

PNP

TOKHANG FOR RANSOM

WAR ON DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with