^

Bansa

3 ‘Pinoy’, inaresto ng BI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 âPinoyâ, inaresto ng BI
Sinabi ni BI spokesperson Melvin Mabulac na isa sa inaresto sa isinagawang inspeksyon ng BI at Philippine Army ay isang nasa charcoal business, na nagpakita ng mga government issued IDs na matapos ang beripikasyon ay hindi tugma sa kanilang pagkakakilanlan.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Tatlong dayuhan na pawang nagpapanggap na sila ay Pilipino ang dinakip ng mga awtoridad  sa Zamboanga Del Sur, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni BI spokesperson Melvin Mabulac na isa sa inaresto sa isinagawang inspeksyon ng BI at Philippine Army ay isang nasa charcoal business, na nagpakita ng mga government issued IDs na matapos ang beripikasyon ay hindi tugma sa kanilang pagkakakilanlan.

“Nagpunta rin ang ating tauhan sa isang shopping center na kung saan ang manager doon ay nagpapanggap na Pilipino. Eventually when we checked, siya ay isang Chinese national kasama ang nagbabantay,” ani Mabulac.

Dalawa ang may hawak na Philippine driver’s license at nakasaad na sila ay Filipino citizens.

Nakapiit na ang tatlo sa BI detention center sa Bicutan, Taguig habang patuloy pang iniimbestigahan kung paano sila nakakuha ng ganoong IDs sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Nakakabahala ito considering na they can be considered a threat to our national security. Yun ang ating pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya. Napakaimportante para malaman kung sino ang mga taong nasa likod nito para magkaroon ng mga ganoong klaseng ID’s,” ani Mabulac.

Patuloy aniya ang pakikipag-ugnayan nila sa National Intelligence Coordinating Agency, AFP at iba pang ahensya ng pamahalaan kaya natunton ang mga dayuhang may pekeng identities na maaaring magamit sa krimen, at pang-eespiya, na malaking banta sa seguridad.

BUREAU OF IMMIGRATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with