^

Bansa

Sa pahayag na mag-aala-Hitler: Digong nag-sorry sa Jewish community

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humingi kahapon ng public apology si Pangulong Rodrigo Duterte sa Jewish community kasunod ng pahayag niya ukol kay Adolf Hitler at sa Holocaust.

Ginawa ng Pangulo ang paghingi ng paumanhin sa mensahe niyo kahapon sa pagdiriwang ng Maskarra festival sa Bacolod City.

“There was never any intention on my part to derogate the Jews,” paliwanag ni Duterte matapos ang matapang na pahayag na mag-aala-Hitler siya at papatayin ang 3 milyong Pinoy na tulak o sugapa sa ilegal na droga.

“I apologize profoundly and deeply to the Je­wish community,” anang Pa­ngulo.

Ang paghingi ng sorry ng Pangulo sa Jewish community ay kasunod sa sinabi nito na gagayahin na lamang niya ang estilo ng pagpatay ni Adolf Hitler sa mga Jews kaugnay kaugnay sa kanyang “war on drugs” sa Pilipinas.

Sa kanyang pagbisita sa Vietnam nitong Biyer­nes, sinabi ng Pangulo sa nasabing bansa na magi­ging masaya siya na siya mismo ang papatay sa may tatlong milyong Pinoy na drug addicts gaya ng pagpatay ni Hitler sa milyong Jews sa kasagsagan ng World War II.

“If Germany had Hitler, the Philippines would have..,” unang pahayag ng Pangulo sabay turo sa sarili.

Dahil dito, umani muli ng puna at pagkondena ng mula sa United Nations na mainit na kaaway ng Pa­ngulo sa usapin sa paglabag sa karapatang pantao, mga bansang Germany, Israel, United States at sa grupo ng international human rights.

“I never mentioned his name. Iwill open up another front sa ating foreign policy. Kapag binastos mo ako, hiwa-hiwalay na tayo. I am going to China to make friends with them. Also with Russia.

Ipinaalala pa ni Duterte na walang pirma si dating Pangulong Noynoy Aquino sa EDCA kaya “better think twice now, because I will be asking you to leave”.

“The Americans stayed here for 50 years. Kaya sila may colonial syndrome kasi akala nila under pa rin nila tayo,” dagdag pa ni Duterte.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with