House probe sa pagpasok ng droga sa Cebu jail, giit
MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ni Deputy House Speaker at Cebu 3rd District Rep. Gwen Garcia matapos itong mag-privilege speech sa Kongreso kung bakit o paano nakakapasok ang mga droga at mga armas sa Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC).
Sinabi ni Garcia, na ipinagmamalaki ng mga taga Cebu ang CPDRCdahil nakakuha ng atensyon ito kamakailan sa buong mundo matapos maipakita sa buong kapuluan ang dancing program ng mga drug dependents na naka-rehab dito.
.Ayon sa ulat, ang bilibid ay isang drug - free pero noong nakaraan Agosto ng magkaroon ng pagsalakay dito nakakuha ang mga awtoridad ng mga shabu, drug paraphernalia, sex toys at salapi bukod pa sa panabong na manok na pag-aari diumano ng jail warden na si Romeo Manansala.
Sabay na sinalakay ang CPDRC at Cebu City Jail at nasamsam dito ang may milyong halaga ng salapi at daan-libong halaga ng shabu.
Napag-alaman na ang nasabing jail facility ay pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) samantala ang CPDRC ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng provincial government.
- Latest