^

Bansa

Mga opisyal, kawani ng gobyerno ban sa casino!

Rudy Andal at Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinagbabawal na sa lahat ng opisyal at mga kawani ng gobyerno at kanilang pamilya sa buong bansa ang pagpunta o paglalaro sa mga casinos at iba pang uri ng pasugalan.

Ito ay matapos na iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-ban ang mga empleyado ng pamahalaan sa pagpasok sa mga casinos.

Iniutos ng Pangulo sa Philippine Amusement and Gaming Corp. o Pagcor na i-ban ang mga government employees at kanilang pamilya sa lahat ng casino na pinatatakbo nito sa bansa.

“I would like to ask Pagcor to prohibit lahat ng taga-gobyerno, pati yung mga asawa, pamilya, to deny them entrance sa mga casinos. I do not want people lalo na sa gobyerno, papasok-pasok dyan...” diin ng Pangulo.

Hindi rin pinaligtas ng Pangulo ang mga maluluhong kawani ng pamahalaan sa pagsakay-sakay sa mga first class seat tulad sa eroplano.

Iniutos din ng Pangulo ang pagsibak sa mga government employees na mahuhuling wala sa kanilang mga puwesto sa oras ng trabaho.

“We are paid by the people to work eight hours a day. Bayad tayo. So ‘pag inindiyan mo ang tao, eh wala ka sa opisina mo kagaya dito ng national, local, pareho rin --- after lunch break, na nasa mga mall, papasyal-pasyal, ‘pag nangyari ‘yan ulit, I will dismiss ka,” dagdag ng Pangulo.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with