^

Bansa

Proklamasyon sa Pres, VP mapapaaga

Gemma Garcia at Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng mapaaga at maipoproklama na sa Mayo 31 ang mananalong Presidente at Bise Presidente.

Ayon kay Senador Koko Pimentel, chairman ng joint canvasing committee sa Kongreso, kung magtutuloy-tuloy ang mabilis na proseso ng bilangan ay matatapos nila ang canvassing hanggang ngayong Biyernes.

Sa tingin ni Pimentel, wala namang mabibigat na problema na maaaring harapin ang NBOC na kailangan ng matagalang imbestigasyon. Bagama’t nagkaroon aniya ng mga kaunting problema tulad ng nangyari sa certificate of canvass (COC) sa Laguna na na-deferred noong unang gabi dahil lang sa discrepancy ay nabilang din agad ito kinabukasan.

Sa sandaling maaprubahan ng joint session ang kanilang report, mag iisyu ang Senado at Kamara ng resolus­yon para maiproklama na ang mga nanalo.

Samantala, pinuna ng kampo ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos ang mataas na bilang ng “undervotes” para sa vice presidential race sa unang araw ng pagbibilang ng certificates of canvass.

 Ayon kay Atty. George Garcia, abogado ni Marcos,  mula sa COCs na binuksan ng joint canvassing committee ng National Board of Canvassers (NBOC), may malaking difference sa mga boto para sa posisyon ng presidente at bise presidente.

 “We have accounted undervotes your honor, that’s totaling the votes cast for the Vice President vis-à-vis the votes cast by the voters, it would appear that such number was discovered from the COC’s your Honor that totals 623, 174,” ani Garcia. 

Naitatala ang ‘undervotes’ sa balota kung ang isang botante ay hindi bomoto para sa isang partikular na posisyon o kung kulang ang boto nito.

Nagpahayag ng pag­kabahala ang kampo ni Marcos sa naitalang ‘undervotes’ para sa vice presidential race na nadiskubre umano nila sa isinagawa nilang quick counts.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with