Kaso pa vs Smartmatic, Comelec rep isasampa
MANILA, Philippines - Plano ng kampo ni Senator Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na maghain ng isa pang kasong kriminal laban sa mga executives ng Smartmatic at sa isang Information Technology representative ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa hindi awtorisadong pagpapalit ng script sa transparency server ng poll body noong gabi ng nakaraang eleksyon.
Ayon kay Atty. Jose Amor Amorado, pinuno ng Bongbong Marcos (BBM) Quick Count Center, maghahain sila bukas sa Manila Prosecutor’s Office ng reklamo dahil sa paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2010 (RA 10175).
Aniya, pinapatawan ng parusa sa nasabing batas ang mga paglabag na nakaka-apekto sa “confidentiality, integrity at availability ng computer data kabilang na ang ilegal na pag-access sa anumang bahagi ng computer system.
May sapat umano silang ebidensiya upang maparusahan ang mga Smartmatic executives at Comelec IT representative base sa mga public documents at pahayag mismo ng Comelec na ang ginawa nilang pakikialam ay hindi awtorisado.
- Latest