Straight vote kay Leni: Solid Bicol vs Solid North
MANILA, Philippines - Nanawagan kahapon si Liberal Party vice presidential bet Camarines Sur Rep. Leni Robredo sa kanyang mga kababayan sa Bicol na ibigay ang “vote straight” sa kanya upang matiyak ang solidong boto at pagka-panalo nito sa May 9 elections.
Ayon kay Robredo, sa isang campaign rally sa Ligao City, upang mapanatili ang kanyang pangunguna laban sa mahigpit na katunggali na si Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr na may solidong boto sa Ilocos region, kailangang mag-staright vote ang mga Bicolanos upang matiyak ang kanyang pagkapanalo.
“I still cannot believe that I will reach this point in the vice presidential race,” ani Robredo sa harap ng may 6,000 supporters sa LP rally sa Ligao City na pinangunahan ni Pangulong Aquino, Rep. Fernando Gonzales, ligao City Mayor Patty Gonzales-Alsua, Albay vice governor Harold Imperial at iba pang LP supporters.
But I also cannot yet believe that I was really number one,” pahayag ni Robredo.
Sa kabila ng huling survey, sinabi ni Robredo na hindi pa rin siya magre-relax o kampante bagaman matatapos na ang campaign period sa mga kandidato sa national positions sa Mayo 7.
Sa ABS CBN vice presidential poll na isinagawa mula Abril 26-29 na nailathala noong Mayo 4, lumalabas na umangat si Robredo ng 4 puntos dahilan upang malampasan si Marcos na dating front runner sa survey. Sa kabila nito, statistically tie pa rin ang dalawa dahil sa margin of error na 1.5 percent.
Nagpapakita sa survey na 30 porsyento ng 4,000 respondents ang nagsabing pipiliin nila ang Camarines Sur Rep. na bise presidente.
Sinabi ni Robredo na sa ngayon, dalawa ang gitgitan at naglalaban sa vice presidential race, isang Bicolano at isang Ilocano.
“Lahat halos at takot sa solid north pero ang boto sa solid north ay 2.4 milyon lamang kumpara sa Bicol vote na aabot sa 3.3 milyon,” diin ni Robredo.
Nanawagan pa si Robredo na isantabi ng mga Bicolanos ang kanilang personal na napipisil na kandidato at isipin ang kapakanan ng Bicol.
Aniya, kung solido ang boto ng mga Bicolanos, matatalo nila ang solid north.
“If we vote as one I believe Bicol will defeat Ilocos. That is what I am asking you to give a chance for a Bicolano vice president which has never happened before,” paliwanag pa ni Robredo.
- Latest