^

Bansa

Corona patay na

Doris Borja, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pumanaw na kahapon ng madaling araw si dating Chief Justice Renato Corona sa edad na 67 dahil sa cardiac arrest.

Ala ?1:48 nang madaling araw nang bawian ng buhay sa Medical City si Corona. Mayroong sakit na diabetes at dalawang beses nang sumailalim sa bypass surgery si Corona.

Inutos naman ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang paglalagay sa half mast ng watawat sa lahat ng korte sa buong Pilipinas sa pagpanaw ni Corona.

Ipinanganak siya noong Oktubre 15, 1948. Nagtapos sa Ateneo de Manila noong 1970 at nakuha naman ang doctor of civil law degree sa University of Santo Tomas bilang summa cum laude at class valedictorian noong 1982.

Naitalaga siya ni dating pangulong Gloria Arroyo bilang chief justice noong Mayo 12, 2010, dalawang araw bago ang presidential elections.

Dumaan sa matinding pagsubok si Corona nang ma-impeach ito noong 2012 dahil lamang sa umano’y pagkabigo nitong ideklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ang ilang assets at properties.

Ayon sa SC PIO, maaaring masilayan ng publiko ang labi ni Corona simula bukas sa The Heritage Park, Taguig City.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with