Maagang adjournment idinepensa ng Kamara
MANILA, Philippines – Idinipensa ni House Speaker Feliciano Belmone ang mabilisang pag-adjourn ng Kamara noong Miyerkules ng gabi.
Paliwanag ni Belmonte, naka adjourned na ang Senado kaya tinapos na rin nila ang sesyon bagamat aminado naman ito na may quorum subalit hindi pa rin umano ito sigurado dahil wala namang nangyaring roll call.
Nilinaw pa ni Speaker na malabo rin magbotohan para ma-override ang veto ni Pangulong Aquino sa P2k SSS pensions hike dahil adjourned na rin ang Senado kaya kahit mailusot ito sa Kamara ay balewala na rin.
Sinabihan naman nito si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na pangunahing may akda ng panukalang SSS pension hike na gusto lamang manggulo at magpasikat dahil tatakbo ito sa eleksyon.
Nilinaw pa ni Belmonte na hindi maari ang dagdag na P2,000 pension para sa mga senior citizens dahil walang pagkukunan ng dagdag na pondo ang SSS.
Para naman kay House Majority leader Neptali Gonzales, ang maagang adjournment ay upang maiwasan na rin ang circus sa tangkang pag-override sa veto ni PNoy.
Inihalintulad din ni Gonzales ang SSS pension hike bilang paghampas sa patay ng kabayo dahil malinaw naman umanong walang sapat na suporta ang veto override mula sa mga kongresista.
- Latest