Koalisyon ng Daang Matuwid kay Duterte: ‘wag ka nang pabebe
MANILA, Philippines – Binati ng administration coalition si Davao City Mayor Rodrigo Duterte kasunod ng pagbasura ng Commission on Elections (Comelec) sa disqualification cases laban sa presidential candidate.
Dahil dito, sinabi ni Koalisyon ng Daang Matuwid spokesman at Akbayan Rep. Ibarra Gutierrez na dapat ay maging maingat na si Duterte sa kaniyang mga pahayag.
“Congratulations to him. He is now a true candidate. I hope he will act like a serious candidate and should stop being apabebe,” pahayag ni Gutierrez.
BASAHIN: Duterte kay Mar: How stupid can you get?
“He (Duterte) should think first before delivering a statement,” dagdag niya.
Apat na disqualification cases laban kay Duterte ang ibinasura ng Comelec First Division dahil sa “lack of merit.”
Samantala, sinabi rin ni Gutierrez na hindi na papatulan ni Liberal Party (LP) standard bearer Manuel “Mar” Roxas II si Duterte.
Aniya pagtutuunan na lamang ng pansin ni Roxas ang kaniyang kampanya at kung nais pa ni Duterte na batikusin ang LP presidential candidate ay magdebate na lamang sila.
“Mar has no plans to dignify the insults and bullying of Mayor Duterte. If he wants a decent conversation, they should face each other in a debate on issues,” wika ni Gutierrez.
BASAHIN: Duterte bibigyan ng tig-isang kwarto sa Malacañan ang dating asawa, live-in partner
Ilang beses nagpalitan ng pambabatikos ang dalawang presidential candidates na kilalang magkaibigan.
Nauwi hanggang sa duelo ang hamunan nina Roxas at Duterte na nagsimula sa sampalan.
- Latest