Senior citizens hirit gawing 56 anyos
MANILA, Philippines – Isinusulong ni Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe na ibaba ang retirement age mula 60 taong gulang sa 56 anyos upang makwalipika bilang senior citizen.
Sa House bill 6340 ni Batocabe, layon nito na amyendahan ang Republic Act no 7432 o Senior Citizens Act na nakasaad na ang isang senior citizen ay may edad na 60 anyos.
Subalit puna ng kongresista, sa ngayon ang mga 56 anyos ay nakakaramdam na agad ng mga sakit sa katawan at mga limitasyon kaya kailangan na nila ang mga benepisyong ibinibigay sa isang senior citizen.
Idinagdag din sa nasabing panukala na ang halaga ng death benefits na makukuha ng senior citizens ay maaaring makuha o matanggap sakaling sumakabilang buhay na ito.
Paliwanag pa ni Batocabe, noong 2010 umabot sa 6.8 porsiyento ng populasyon ng bansa ang senior citizens, kaya pinaamyendahan nito at pinadagdagan ng 3,000,000 recipients ng benepisyo at pribilehiyo sa ilalim ng The Senior Citizens Act na may sapat namang pondo.
- Latest