Entertainment industry dagsa ang suporta kay Leni
MANILA, Philippines – Dinagsa si Liberal Party (LP) vice presidential candidate Leni Robredo ng suporta mula sa iba’t ibang personalidad galing sa pelikula, telebisyon at musika.
Sa isang dinner-meeting, nagpahayag ng suporta sina Angelu de Leon, Wowie Rivera, John Estrada, Paolo Contis, LJ Reyes, Carlo Gonzalez, Rap Fernandez, Yan Yuson, Gabby Eigenmann, Max Collins, Tim Yap at Arthur Solinap sa pagtakbo ni Robredo bilang bise presidente.
Sa nasabing pulong, nagkaroon ng pagkakataon ang mga miyembro ng industriya ng showbiz na makilala nang husto si Robredo at malaman ang kanyang mga plano para sa bansa at mahihirap na sektor ng lipunan.
Sa kanyang Facebook account, sinabi ni Yuson, na isang musikero, na noon pa man, si Robredo na ang kanyang pambato bago pa nakilala nang personal.
“Had the honor and privilege of meeting Robredo this evening, thanks to the helpful efforts of a few good friends. She was already my choice for Vice President,” wika ni Yuson.
“This evening had me convinced that so long as there are people like her we can count on, the nation has hope. Integrity, hard work, action, commitment, courage, simplicity, humility, selflessness,” dagdag pa niya.
Hinikayat din ni Yuson ang iba pa na hayagang suportahan si Robredo, na inilarawan niya bilang “patriotism honed in decades spent in grassroots public service”.
Bago rito, ilang mang-aawit at banda na ang nagpakita ng suporta kay Robredo sa pamamagitan ng isang fund-raising dinner-concert.
Kabilang dito ang mga singer na sina Bituin Escalante at Jim Paredes at banding Periodiko, ACTS Philippines at The Company.
Sa isang panayam, sinabi ng aktor na si Enchong Dee na suportado niya si Robredo at naniniwala siya sa integridad at kakayahan nito.
- Latest