Partylist reps babawasan
MANILA, Philippines – Posibleng matanggal na bilang kasapi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mahigit ?sa 10 kinatawan ng partylist groups.
Alinsunod sa Section 15 ng RA 7941, ang isang partylist representative na naghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa ilalim ng ibang sectoral o political affiliation anim na buwan bago ang halalan ay kinokonsidera ng nagbitiw sa pwesto.
Sinabi ni House Speaker Sonny Belmonte, kahapon lamang naiparating sa kanya ang tungkol dito matapos makuwestyon ang pagiging miyembro pa ni Gabriela Rep. Luz Ilagan ng House of Representatives Electoral Tribunal sa kabila nang pag-anib sa political party sa Davao City.
Paliwanag ni Belmonte, pinag-aaralan niya na ang tungkol dito dahil meron pang ibang partylist congressmen ang naghain ng kanilang COC para sa ibang posisyon.
Susulat din si Belmonte sa Commission on Elections para humingi ng listahan ng mga ito.
Gayundin ng kopya ng proclamation ng ibang nominado kung kailangang palitan ang kasalukuyang mga nakaupong kinatawan ng iba’t ibang grupo.
- Latest