^

Bansa

Barya lang ang P2k dagdag sa SSS pensioner - Romualdez

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ni Senatorial Candidate at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez na barya lang kung tutuusin ang hinihinging P2,000 karagdagang benipisyo ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS) kumpara sa nalilikom na pondo ng ahensiya taun-taon.

Ayon kay Romualdez, naaawa siya sa mga pensiyonado na labis na umasa sa karagdagang benipisyo mula sa SSS na parang lumalabas tuloy na namamalimos ang mga ito sa sarili nilang pinag-ipunan ng matagal na kung tutuusin ay maganda pang nag-ipon sa “paluwagan” dahil buo mo itong makukuha.

Dapat hanggat maaga ay maipakita natin ang malasakit sa mga pensioner lalong lalo na iyong mga matatanda na nangangailangan ng karagdagang pambili ng gamot, pagkain at iba pang pangunahing panga­ngailangan sa buhay.

Nangako si Romualdez na sakaling palarin at maupo bilang senador ay uunahin niya ang paggawa ng karagdagang polisiya, pagbusisi sa tunay na estado sa pondo ng SSS at gagawa ng mga paraan para lumaki ang insentibo ng bawat pensiyonado at gagawa ng mga pag-aaral kung paano dumoble ang pondo nang sa gayon ay hindi kapusin sakaling mangailangan ng karagdagang benipisyo.

Sa kasalukuyan ayon kay Romualdez ay may kabuuang 31 million miyembro ang naghuhulog ng kontribusyon sa SSS habang may 2.1 milyong pensiyonado ang tumatanggap ng kanilang buwanang insentibo kung saan P1,200 ang pinakamababang natatanggap ng isang indibidwal claimant.

ACIRC

ANG

AYON

DAPAT

DISTRICT REP

INIHAYAG

MARTIN ROMUALDEZ

MGA

ROMUALDEZ

SENATORIAL CANDIDATE

SOCIAL SECURITY SYSTEM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with