^

Bansa

Trabaho ng Senado ‘di maaapektuhan ng eleksiyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa gitna ng nalalapit na kampanyahan para sa eleksiyon sa darating na Mayo, tiniyak ni Senate President Franklin Drilon na hindi maaapektuhan ang trabaho ng Senado ng nalalapit na “election fever”.

Ipinagmalaki ni Drilon na ang mga nagawa at naipasang batas nitong 16th Congress ay bunga ng maayos na relasyon ng executive at legislative branches na hindi napagtuunan ng pansin ng mga nagdaang administrasyon.

“We will not allow election fever to paralyze us,” ani Drilon.

Sinabi ni Drilon na sa nakaraang 30 buwan ng 16th Congress, naging posible ang pagpasa ng mga panukala na matagal ng naghihintay upang maging ganap na batas.

Kabilang sa mga naipasa ng Senado ang Philippine Competition Act, ang pag-amiyenda sa Cabotage Law at maging ang Graphic Health Warning Act at pag-amiyenda sa Sandiganbayan Law.

Inakala umano ng mga mambabatas na hindi na maipapasa ang panukala pero naging posible ito dahil sa koordinasyon sa pagitan ng mga lider ng Senado at House of Representatives.

Ang mga nabanggit na “landmark laws” ay kabilang sa 88 panukala na naipasa simula ng magbukas ang16th Congress noong Hulyo 2013 hanggang Dis­yembre 2015. Sa nasabing bilang 67 ang naipasa noong nakaraang taon, 17 noong 2014 at apat noong 2013.

Tiniyak din ni Drilon na mas gagamitin nila ng tama ang nalalabing oras ng 16th Congress na magtatapos sa Hulyo 2016.

ACIRC

ANG

CABOTAGE LAW

DRILON

GRAPHIC HEALTH WARNING

HOUSE OF REPRESENTATIVES

HULYO

MGA

PHILIPPINE COMPETITION ACT

SANDIGANBAYAN LAW

SENADO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with